Chapter 53: Pain - Fine

272 10 2
                                    

// JHAYZ'S P.O.V. //

Wala akong magawa habang hinihila ako ni Joven, pero nung nasa loob na kami ng elevator ay saka nya lang ako binitawan.

"Ano bang problema mo?!" Inis na saad ko sa kanya.

"Ikaw! Ikaw ang problema ko!" Sigaw nya sakin habang tinuturo ako.

"Teka, nagseselos kaba?" Kunot noo kong tanong pero wala akong narinig na sagot mula sa kanya. "Hindi ka makasagot? Kasi wala kang karapatan! Wala kang karapatan na magselos! Wala kang pakialam kung sino man ang dapat kong kausapin!"

"You know what? Because after all this years, I still fucking love you Jhayz even you don't! Hindi ko magawang kalimutan ka kahit na may asawa pa ako. Gustuhin ko man na hiwalayan sya ay wala parin akong mapapala dahil may asawa ka parin." Biglang nagbago ang boses nya dahil sa emosyon nya.

Biglang bumukas ang elevator dahil nasa floor na kami kung nasaan ang room ko.

"Tama na Joven. Pagod na ako, wala na tayong dapat pang pag-usapan." Sabi ko at saka lumabas ng elevator.

Naglakad ako ng mabilis patungo sa room ko dahil ramdam ko na sumusunod sya sakin.

"Pwede ba Joven, wag mo na akong sundan!"

"Hindi pa tayo tapos mag-usap Jhayz! Kaya wag mo akong talikuran!" Sabi nya at hinawakan ako sa braso pero agad ko naman itong inalis.

Nang mabuksan ko ang pinto ay mas nauna pa sya saking pumasok at saka ako hinila at nilock ang pinto.

"Joven, ano ba?! Itigil mo na to! Hindi mo na ako pwedeng saktan ulit! Hinding hindi na!" Sabi ko sa kanya, kaya naging emosyonal na din ako.

"Pero ngayon, sigurado na ako. Mahal na mahal na kita Jhayz, kaya sana maging tayo nalang ulit." Pagmamakaawa nya sakin.

"Kahit anong gawin natin ay hindi na pwede. Parehas na tayong kasal, at higit sa lahat mahal ko na si Wilson, higit pa sa pagmamahal ko sayo noon. Kaya sana naman tanggapin mo nalang ang sitwasyon natin. Hinding hindi na tayo pwedeng magkabalikan pa Joven." Sabi ko sa kanya.

"Alam ko na mahal mo parin ako Jhayz. Hindi mo kayang itago ang feelings mo dahil alam ko na hindi ka dun magaling. Kaya hindi ako naniniwala na hindi mo na ako mahal." Parang ma-otoridad na saad nya.

"Joven, please! Tanggapin mo nalang na hindi na talaga kita mahal. At wag mo ng subukan na sirain pa ang relasyon naming dalawa ni Wilson. Mahal na mahal ko sya at hindi ko kayang mawala sya sa akin ng dahil lang sayo." Ngayon ako naman ang nagmakaawa.

"Kung hindi mo talaga ako mahal, patunayan mo!" Sabi nya sakin at bigla nalang nya akong nilapitan at mapusok na hinalikan.

Sinubukan ko makawala pero bigla nya akong hinawakan sa ulo gamit ang isang kamay at idinin ito para hindi ako makawala. Hinahampas ko sya sa dibdib nya at sinusubukang itulak ngunit nakahawak din sya sa likod ko kayat hindi talaga ako makawala. Bigla nya naman akong binuhat, namalayan ko na lamang na nasa kama na kami. Nakapatong lang sya sakin kaya hindi ko talagang makayanang kumawala. Nasasaktan na ako, hindi ko gusto ang nangyayari sa akin ngayon.

"Joven please, don't do this to me! I'm begging you!" Hindi ko na talaga nakayanan kaya umiyak na ako.

Nagbingi-bingihan lang sya pagmamakaawa ko. Tinanggal nya ang pang-ibabang kasuotan nya at ramdam ko na iyon sa aking mga hita na pilit nya na ngayon binubuka.

Our Complicated Heart RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon