Chapter 19: Playlist

332 10 0
                                    

// JHAYZ'S P.O.V. //

Nasa school ako. Wala ako masyadong kinakausap. Wala naman kasi akong mahalagang kailangang itanong sa kanila. And wala din naman ako sa mood makipagkwentuhan.

Lumapit ako ng upuan. Wala kaming teacher for two hours. Pero kailangan namin mag-sulat sa notebook. Nakaheadset lang ako, habang nagsusulat.

Maykumuha ng headset ko na nasa right ear ko. Si Mark Joy yun, at inilagay nya naman sa left ear nya.

"Ang ganda ng music na pinapakinggan mo. Pero, naiintindihan mo ba 'to?" Si Mark Joy.

Puro Kpop songs kasi ang nasa playlists ko. Wala syang magagawa, phone ko 'to eh!

"Wala kang paki! Mas gugustuhin ko pang makinig sa mga kantang to, kaysa panoorin yang dalawang yan na walang ibang ginawa kundi maglandian." Tumingin naman si Mark Joy sa likod namin, para tignan kung sino ang tinutukoy ko.

"Hahaha, selos ka lang kasi Jhayz!" Sabi nya tas pinisil nya yung pisngi ko.

"Ano ba Joy! Masakit yan ah!" Sabi ko naman habang naka kunot ang noo at minamassage ang mukha ko.

"Kasi naman eh, hindi mo na dapat iniintindi yang dalawang yan! Andito naman ako oh!" Sabi nya habang nakaturo sya sa sarili nya.

"Hahaha! Nakakatawa ka talaga Joy! Anyway, labas naman tayo mamaya! Naboboring na kasi ako sa bahay eh. Ano game?"

"Well, I don't have any reason to say no!" Sabi ni Mark Joy.

Ngumiti lang ako sa sinabi nya. Maghapon lang kami naglesson, at nagsulat sa notebook. Uwian na at kailangan ko ng umuwi. Gagala pa kami ni Mark Joy, kaya hinatid nya na ako sa bahay. Hindi na ako kumain sa bahay, tutal gagala naman kami ni Mark Joy, syempre kakain kami nun. Nagpaalam na ko sa Tita ko na gagabihin ako ng uwi. Nagpromise ako na walang mangyayaring masama sakin, at hindi ako gagawa ng kalokohan.

Bumusina na si Mark Joy, kaya lumabas na aq. Naka skinny jeans lang ako tas white T-shirt plain. Sya naman, nakashorts lang na maong tas yellow T-shirt, tas parehas kaming naka rubber shoes.

Sumakay na ako sa motor nya. Kung ano ano lang ang pinagkekwentuhan namin. Nakarating kami sa park. May fountain dun, kaya dun namin naisipang tumambay. Pero may hindi ako magandang nakikita. Nakakairita talaga sa mga paningin ko ang mga couple na nakapaligid samin. Halos mga linta na nakadikit sa mga jowa nila. Nakakainis! Ba't dito pa kasi namin naisipang tumambay.

Our Complicated Heart RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon