Chapter 34: We're officially on

258 6 0
                                    

// JHAYZ'S P.O.V. //

Aishh! Ba't ba kasi nandoon si Mark Joy?! Anong ginagawa nya doon?! Nakakahiya tuloy, pero buti nalang talaga hindi nya nalaman yung samin ni Joven.

---

It's been a month, at one month na kaming nagpapanggap ni Joven. Nakakainis! Patagal ng patagal lalo naman akong nafafall. Mapipigilan ko ba? Eh nyo naman yung feelings na hindi talaga natin kayang pigilan kapag yung puso na natin ang nagpasya. Aishh! Basta, kaya ko pa ito! Aja! Malalampasan ko din to. Tutal, malapit na naman kaming mag graduation eh, kaya for sure matatapos na din itong pagpapanggap namin.

Sabi ni Calvin, magkita daw kami ngayon sa 7/11. Hindi ko naman alam kung bakit, kaya pumayag ako.

Nasa labas na ako ng 7/11 ngayon ng biglang may nagtakip ng bibig ko at hinila ako sa lugar kung saan walang masyadong tao. Nung hinarap nya na ako ay nalaman kong si Calvin yun. Kaya inalis ko yung kamay nya sa bibig ko.

"Calvin, ano ba?! Ba't mo ba ako gustong makausap?" Inis na sabi ko.

"Basta, gusto ko sumama ka sakin."

"Teka lang, saan ba tayo pupunta? Tsaka alam ba to ni Joven?" Pagpigil ko sa kanya.

"Hindi, at hindi nya na dapat malaman. Tsaka wag ka na nga dyan mag panggap! Alam kong hindi totoo na may relasyon kayong dalawa." Nagulat ako sa sinabi nya.

"Huh?! Pano mo nalaman?!"

"Edi umamin ka rin! Syempre di ko alam. Nasabi ko lang yun dahil naghihinala talaga ako sa inyong dalawa. Kaya tara na, mabilis lang to." Sabi nya at hinila na ako.

"Bitawan mo sya Calvin!" Si Joven, natigilan kaming dalawa.

"Alam ko na yung totoo Joven! Kaya wag ka nang umasta dyan na parang mag jowa talaga kayong dalawa!"  Sabi naman ni Calvin.

Biglang lumapit si Joven at inalis nya yung kamay ni Calvin sa braso ko. Pinapunta ako ni Joven sa likod nya.

"So? We're still friends! Kayo? Ano bang meron kayo?" Si Joven.

"You don't have f*cking care! Walang kayo kaya pabayaan mo ako!"

"Gusto mo totohanin na namin?" Biglang pumunta si Joven sa harapan ko at hinawakan nya yung dalawa kong kamay. "Jhayz? Pwede bang totohanin na natin yung relasyon nating dalawa? Yung wala ng pagpapanggap, seryoso na ako ngayon Jhayz. Pwede bang maging tayo na?" Seryoso nyang sabi pero di ko sure kung serious nga talaga sya.

Hindi ko alam ang sasabihin ko, dahil di ko alam kung totoo ba ito o hindi. Aishh! Bumibilis na naman yung tibok ng puso ko. Kinakabahan ako na nahihiya. Ah basta! Mamaya ko nalang sya kakausapin.

"O-oo naman! Bakit hindi!" Masigla kong sabi habang nakangiti, kahit yung totoo hindi ko alam ang gagawin ko.

"Talaga Jhayz?! So, tayo na? Seryoso na to?" Si Joven na gulat na gulat, ba't ba sya nagkakaganito?

"O-oo, seryoso na to." Hindi makapaniwalang sagot ko.

Bigla nya akong hinalikan at wala na akong nagawa. Hindi ako makagalaw dahil sa ginawa nya. Hinahalikan nya ako habang sumasabay ako sa alon na ginagawa nya. Iniisip ko parin kung seryoso ba talaga sya sa sinabi nya. Baka mapraning ako dahil sa sinabi nya. Basta yung sabi ko, bahala na! Bigla nalang akong bumitaw sa halik nya.

Our Complicated Heart RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon