Chapter 31: Grandma's Party

251 9 0
                                    

// JOVEN'S P.O.V. //

Pagkababa namin ng bus ay sumakay kami ng tricycle papasok sa village namin. Nakakapagod ang byahe, halos 2 hours din kasi yun. Mabuti nalang at hindi ako nakatulog, kundi nakalampas na sana kami.

7:00PM. Nasa bahay na kami.

"La, happy birthday po! Sorry po ngayon lang po ako nakauwi. Bumili po ako ng cake, para sa inyo po ito." Tuwang tuwa si Lola ng makita nya ako.

"Naku apo! Nagabala ka pa. Eh may cake na na binili ang Tita mo. Pero salamat apo! Mwa!" Masaya nyang sabi.

"OK lang yun La! For sure, mas masarap 'tong cake na binili ko." Napansin ko na walang imik si Jhayz habang nakatayo lang sa likuran ko, kaya pinakilala ko sya sa Lola ko."La, si Jhayz nga po pala. Kaibigan ko po. Sinamahan nya po ako sa city para bumili ng cake para sa inyo."

"Happy birthday po. Ako po si Jhayz, kamusta po kayo?" Si Jhayz na halatang nahihiya.

"Ayos lang ako iho. Ah, may naisip ako. Iho marunong ka ba sumayaw ng cha cha?" Tanong ni Lola kay Jhayz.

"Ah, syempre po. Marunong po ako, gusto nyo po ba sabayan ko po kayo sa pagsayaw?" Natuwa naman si Lola sa sinabi ni Jhayz.

"Abay wala akong dahilan para humindi. Joven, apo, magpatugtog ka nga dyan ng cha cha!" Sigaw ni Lola.

"Ah, sige po La! Wait lang kayo dyan!"

Maya maya lang ay napatugtog ko na ang paburitong sayawin ng Lola ko, ang cha cha. Actually, pati kami rin. Nakahiligan nadin naming mag sayaw ng cha cha.

// JHAYZ'S P.O.V. //

Nakakatuwa pala itong Lola ni Joven. Mabuti nalang talaga at lumaki ako sa pamilyang mahilig din sa cha cha. Actually, nag-umpisa to nung bata pa ako. Mga 4 years old ako, at si papa pa ang nagtuturo sakin noon. Kaya every may occasion ay nagsasayaw kami ng cha cha.

Our Complicated Heart RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon