Chapter 46: First Love Quarrel

277 7 1
                                    

// THIRD PERSON P.O.V. //

Ilang linggo na ang lumipas nung huling nagkatapat tapat sila Jhayz, Wilson at Joven. Iniisip parin ni Joven kung totoo nga ba talaga ang sinabi ni Jhayz. Hindi nya gustong paniwalaan ito, at naniniwala parin syang mahal parin sya ni Jhayz. Ngunit si Jhayz naman ay tila naguguluhan na kakaisip dahil sa pagpunta ni Joven sa bahay nila.

Natatakot tuloy sya na baka mamaya ay ipadukot sya nito at sapilitang ipaglayo sila ni Wilson. Posibleng mangyari iyon dahil alam nyang kayang gawin ni Joven ang kahit ano mang bagay na naisin nito. Kaya umpisa noon ay doon na muna sya pinapatira ni Wilson sa bahay nila.

A few days after...

Kinausap silang dalawa ng mga magulang nila Wilson. Pinagusapan nila ang nalalapit na pag-alis nila sa bansa. Kasama din sa usapan ang Mama ni Jhayz na naka-skype. Magkatabi silang dalawa ni Jhayz at Wilson habang nakahawak ito sa bewang ni Jhayz.

"Jhayz anak, kamusta ka naman? Nag-aaral ka ba ng mabuti? Iniinom mo parin ba ang gamot mo?" Ani Mama ni Jhayz.

"Ah Ma, wag po kayong mag-alala. Pinagbubuti ko po ang pag-aaral ko, sa katunayan nga po nyan marami na po akong natanggap na mga certificates from my achievements." Masaya nyang sagot sa kanyang Mama.

"Oo nga po Ma, sa katunayan nga po ay nakapasa sya last week sa NC II exam sa Food and Beverage Service. Tapos kakatapos lang po ng OJT nya last Sunday. Nagulat nga po ako kasi napagsabay nya ang pag-aaral sa OJT nya eh. Kaya ang galing galing talaga nito ni love love ko, Ma!" Proud na sabi nito.

At may nalalaman pang pa 'Ma' ang Wilson na ito. Legal na kasi sila, at pumayag na ang Mama ni Jhayz kung may maganap mang kasalan sa kanilang dalawa.

"Oh, ikaw naman Wilson, inaayos mo din ba ang pag-aaral mo? Baka naman puro gym lang at pag-papagwapo sa anak ko ang inaatupag mo ha. Baka naman may ginagawa na kayong kababalaghan ha. Di porket pumayag na akong ikasal kayo ay pwede mo na gawin ang gusto mong gawin sa anak ko. Kailangan mo parin mag-paalam sa akin." Sabi ng Mama ni Jhayz kay Wilson.

"Ma naman! Wag nga kayong ganyan. Nakakhiya kila Tita at Tito oh." Masungit na ani Jhayz at nagtawanan ang lahat.

"Hahaha, basta wag muna ganon anak ha. Tapusin mo muna pag-aaral nyong dalawa ni Wilson. Tsaka 1 year nalang at malapit na akong umuwi ng Pilipinas. Sayang at di tayo mag-kikita ng personal, pero promise ko anak sa graduation nyo, ako ang sasama sayo pa-akyat ng stage." Masayang sabi nito ngunit ramdam parin dito ang pangungulila nito.

"Salamat Ma." Ani Jhayz.

"So, mga anak, tutal malapit na kayong magtapos ng senior high school, siguradong sigurado na ang paglipad nyo papunta sa States. Handa na ang inyong passports, Visa's, apartment na titirahan sa San Francisco, at ang school na papasukan nyo. Wala na kayong dapat pang problemahin dahil handa na ang lahat." Paliwanag ng Papa ni Wilson.

Our Complicated Heart RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon