Chapter 23: Caring

328 8 0
                                    

// MARK JOY'S P.O.V. //

Sinundan ko si Joven, naabutan ko sya na pababa na ng hagdan kaya tinawag ko sya.

"Joven! Mag-usap tayo." Bigla naman syang lumingon.

Bumalik sya at lumapit sakin. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya ang kondisyon ni Jhayz. Wala na akong choice, kahit kaibigan ko sya kailangan ko parin to sabihin sa kanya. Mahalaga sakin si Jhayz, kaya ayokong may mangyari sa kanyang masama.

"Ano ba ang pag-uusapan natin?" Si Joven. Medyo naiinis nyang sabi, dahil nakakunot ang noo nito.

"May sakit sa puso si Jhayz." Sabi ko. At unti unting nagbago ang mukha nya at bumakas ang pagkagulat. "At hindi makakabuti sa kalagayan nya na lagi ka nyang nakikita. Kaya please lang Joven, wag mo na syang saktan. Pabayaan mo na sya. Alam kong alam mo na mahal ka ni Jhayz, kaya sya nasasaktan every time na nakikita ka nya. At hindi yun makakabuti sa kanya." Nahalata ko na nalulungkot sya dahil sa mga sinabi ko, pero pinagpatuloy ko parin ang mga pinagsasasabi ko. "Gumawa ka nalang ng paraan para hindi ka nya mapansin. Wag mo nalang sya kausapin. Hayaan mo nalang sya Joven."

"Kung yan ang makakabuti sa kanya, sige. Papayag ako sa kagustuhan mo. Pero kailangan ko munang kausapin si Jhayz. Kung papayag sya sa mga desisyon mo." Seryosong sabi nya.

"Hindi pa sya masyadong magaling Joven. Magpahinga pa sya. Sa ibang araw mo nalang sya kausapin." Pagsisinungaling ko.

"Mag-sosorry lang ako sa kanya."

"Hindi kaba nakakaintindi Joven?! Sabi ko hindi makakabuti sa kanya na makita ka ngayon!"

"Wala kang karapatan para pigilan ako!" Sabi nya habang tinuturo nya ako. "At tsaka, ano bang problema mo?! Wala namang kayo diba?!"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya bigla ko syang sinuntok. Hindi sya nakailag kaya sapol sya sa mukha, pero agad syang gumanti sakin. Hanggang sa nagsusuntukan na kaming dalawa, at may umawat na saming guard. Sinabi ko naman sa guard na may binabantayan ako dito, at nakikigulo lang si Joven. Kaya wala syang nagawa kaya umalis na at lumabas na ng hospital.

Pumunta na ako sa room ni Jhayz. Nadatnan ko sya na na nanunuod sa phone nya. For sure, Korean drama na naman yan. Well, pinipilit ko na ang sarili ko na gustuhin ang lahat ng gusto nyang gawin para mas lalo akong mapalapit sa kanya.

"Jhayz! Ano? Ayos ka naba talaga?" Bungad ko, para may mapagusapan man lang kami.

"Ayos na ayos na ako Joy. At tsaka wag ka nga masyadong OA. Hindi mo na ako kailangang alagaan pa. Kasi..." Bigla syang natigilan sa sinasabi nya.

"Jhayz? Kamusta kana? Nabalitaan ko ang nangyari sayo, sinabi sakin ni Tita." Familiar sakin 'tong lalake.

Our Complicated Heart RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon