Chapter 35: First Date

252 8 0
                                    

// JHAYZ'S P.O.V. //

Hindi parin talaga ako makapaniwala sa mga nangyayari. Aishh! Pero hindi ko pwedeng seryosohin 'tong relationship na ito, diba nga fake lang to? Ang kailangan lang naman namin magpanggap. Sabi nya nga para sakin lang din naman to, well I'll just do my part, hanggat kaya kong magpanggap.

9AM. Sinundo ako ni Joven sa bahay. Ano naman kaya ang paandar ng lalaking to? Aishh! Pinapahirapan lang ako mag-isip ng kung ano ano!

"Joven, san ba tayo pupunta? Sabi ko kasi sa Tita ko, group project ang pupuntahan natin eh." Tanong ko sa kanya habang nakasakay kami sa motor nya.

"Basta, maghintay ka lang diba sabi ko uumpisahan na natin ang pagpapanggap? Kaya wag ka nang umangal!"

Hindi nalang ako kumibo, until makarating kami sa SM. Ba't kaya kami nandito? Well, ayoko nalang magtanong, for sure susungitan na naman nya ako.

"Teka lang may tatawagan lang ako. Umupo ka muna dyan." Wala akong nagawa, kaya sinunod ko nalang sya.

Nasa food court kami ngayon, sino kaya ang tatawagan nya? Aishh! Di na ba ako titigil sa kakaisip ng kung ano ano?! Shut up Jhayz!

Narinig ko yung mga sinabi ni Joven habang may kausap sya sa phone nya. Nakaharap kasi sya sakin, panong di ko maririnig?!

"Oh? Calvin, asan kana ba? Bilisan mo naman. May papakilala pa ako sayo." Tapos ngumiti sakin ng nakakaloka. "Ah, okay okay, bilisan mo. Baka di na kami makapagintay." At pinatay nya na yung tawag.

"Si Calvin ba yung kausap mo?" Tanong ko kahit alam ko naman talaga.

"Oo, bakit? Miss mo na yung mokong? Tsk. Hindi mo dapat sya ma miss. He don't deserve to be miss." Sabi nya na halatang inaasar lang ako.

"Eh kung sabihin kong oo, anong gagawin mo? Sabihin mo, insecure kalang kay Calvin kaya ka nag kakaganyan! Hmp!" Tumayo ako at sinabi yun sa kanya, at pagkatapos tumalikod ako. "Calvin! Andito kana pala! Kanina kapa namin hinihintay!" Sabi ko ng makita ko agad si Calvin nung pagtalikod ko.

Our Complicated Heart RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon