Chapter 39: Beach

258 8 1
                                    

// THIRD PERSON P.O.V. //

Nagising si Jhayz dahil sa tawag sa phone nya. 6:35 am palang sa wall clock nya. Nagulat sya ng biglang nakita nya ang pangalan ni Wilson na nakapaskil sa phone nya. Sinubukan nya na ayusin ang boses nya. Sinagot nya ang tawag.

"Oh, Wilson? Napatawag ka?" Nakangiting sinagot ni Jhayz ang tawag.

"Jhayz? Are you free today?" Ani Wilson at biglang lumaki ang mga mata ni Jhayz.

"Ah, B-bakit mo natanong? I mean, yes. Free ako today." Halata ni Jhayz na nagiinit ang pisngi nito.

"Kasi my family wants to go to Palawan. We didn't expect na magkakasakit si Dad, kaya sabi nya kami nalang daw ang pumunta. Nakabili na kasi kami ng tickets eh. Sayang naman kung walang makakagamit nun." Ani Wilson pero nagtataka si Jhayz.

Bakit sya tumawag dito? Anong namang connect kung nakabili na sila ng tickets sa pagtawag nito sa kanya? Aish!

"So? Ano ngayon kung Nakabili na kayo ng tickets?" May pagtataka na sinabi ni Jhayz.

"Eh ikaw agad naisip ko eh. Ikaw sana gusto kong isama sa Palawan. Kaso parang ayaw mo. Sige sa iba---" Ani Wilson na bigla namang pinutol ni Jhayz ang sasabihin nito.

"Wait! Wala akong sinabi na ayaw ko! Teka, kailan ba yan?" Pagpigil nya dito.

"Mamaya pa yung flight, mga 1pm. Susunduin nalang kita dyan sa inyo ng 11am. Maghanda kana ng mga susuutin mo."

"Sige sige. Magpeprepare na ako." Nung ibababa nya na sana ang tawag ay may nakalimutan syang itanong. "Wait! Do I have to bring foods?"

"Hindi na. For sure mabubusog ka dun pag pumunta tayo ng beach, kahit hindi ka na kumain. He he!" Ani Wilson na pinipilosopo pa sya.

"Huh? What do you mean?" Pagtataka nya.

"For sure marami kang makikitang lalake dun na nakatopless. Hmm, for sure mabubusog ka sa mga pandesal dun. Hahaha!" Pang-aasar ni Wilson.

"Aish! Nakakainis ka talaga! Kung hindi lang talaga dahil sa Palawan, hindi talaga ako sasama sayo! Hmp! Sige na, magpeprepare na ako. Bye!" At ibinaba na nya ang tawag.

Ngayon palang iniimagine nya na ang ganda ng Palawan. Sa litrato nya nalang kasi ito nakikita. Ngayon, dream come true na. Hindi nya na maipaliwanag ang excitement nya.

9am ng matapos sya Magpeprepare ng mga damit na dadalhin nya. Sinigurado nya muna na kumpleto na ang lahat ng kailangan nya para ready na sya sa pag-alis mamaya.

Inisip nya kung ilang araw sila doon. Pero, syempre si Wilson lang makakasagot ng tanong na iyun. Kaya tinawagan nya ito na agad namang sinagot.

"Uy! Wilson, ilang days ba tayo sa Palawan?"

"Three days lang naman. Bakit? May importante ka bang gagawin tomorrow or the next day?" Ani Wilson.

Our Complicated Heart RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon