Chapter 42: White lie

266 7 0
                                    

// THIRD PERSON P.O.V. //

Nang oras na binitawan ni Wilson ang halik nya kay Jhayz ay agad na sinalubong ang mukha nito ng sampal mula dito. Napakunot sya ng noo habang hawak ang pisngi.

"Para san yun?" Nagtatakang tanong ni Wilson na kinakunutan nya naman ng noo.

"I told you not to do that, but you still did!" Gigil na sabi nito dito.

"No! That's not what you've said. Sabi mo subukan ko, kaya sinubukan ko." Natatawa pa nitong sabi.

"Aish! Wala ka bang utak?! Nakakainis ka talaga!" Kaya tumalikod sya.

Nagulat sya dahil ng pagtalikod nya na iyun ay nakatingin sa kanila si tita shine na hawak ang DSLR camera.

"Tita? Did you...?" Hindi makapaniwala at namumutlang tanong ni Jhayz dito.

"Uhmm... Yes baby. I'm so sorry, I caught you kissing that's why..." Hindi nya na itinuloy pa ang sasabihin nito, at napahalukipkip habang nakangiti.

"Ugh! Tita naman eh!" Angal nya dito at agad na humarap kay Wilson. "Kasalanan mo talaga to eh! Dyan ka na nga!" Inis nyang sabi at binunggo nya ito bago umalis.

Naglakad sya papunta malapit sa dagat. Naalala nya na hindi pa sya tapos maglagay ng sunblock. Dumating kasi si Wilson, kaya nawala sya sa sarili nya. Mas lalo na ng halikan sya nito. Napa "Aish!" nalang sya dahil kailangan nyang bumalik sa cottage.

Padabog sya na bumalik ng cottage. Kinuha nya ang sunblock ng walang lingon lingon kahit kanino man. Sobrang hiyang hiya talaga sya, dahil pinabayaan nya lang si Wilson na halikan sya nito. Pakiramdam nya, lahat ng tao na nasa paligid nya noon ay nakatingin.

Nang nakuha na nya ang sunblock ay tuluyan na syang umalis. Bakas sa mukha ni Wilson ang pagkabigla dahil hindi na ito nakareact pa ng makaalis na si Jhayz. Nanatili lang syang nakatayo at walang magawa.

---

Kasalukuyan silang naliligo sa dagat ngayon. Halata kay Jhayz na sobra nyang namiss ang dagat. Matagal na din kasi ng huli syang naligo dito. Medyo kalmado na sya kaya nakakausap na ito ni Wilson. Sa ngayon nga ay magkakwentuhan silang dalawa. Basta, gusto nya lang na kausap nya si Wilson ngayon, after ng ginawa nito sa kanya kanina.

"Tara, kain muna tayo. Kanina pa tayo nakababad dito." Aya ni Wilson na nauna ng umahon sa tubig.

Our Complicated Heart RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon