Chapter 47: Good Bye PH

284 8 1
                                    

// THIRD PERSON P.O.V. //

Kinaumagahan din ay nagdesisyon na si Jhayz na bumalik na sa bahay nila. Nag-paalam muna sya sa mga magulang at Tita ni Wilson bago sya umalis. Hindi na sya tumanggi kay Wilson sa pagpupumilit na ihatid na sya nito sa kanilang bahay.

Maya maya lang ay umalis na sila. Nang makarating sila sa bahay nila Jhayz ay nag-isip sila ng mapagkakalibangan. Tinungo ni Jhayz ang kusina habang si Wilson naman ay nililinis ang bawat sulok ng bahay.

"Love, okay ka lang ba dyan? I mean, baka hindi ka sanay, ako nalang dyan mamaya." Ani Jhayz.

"Ayos lang ako dito love. Ano ka ba! Masasanay rin ako dito tsaka soon, tayong dalawa na ang magkasama sa iisang bubong. At ayoko din iasa sa iyo lahat ng gawain sa bahay." Sagot ni Wilson habang hawak ang walis tambo.

"Okay love! Magluluto nalang ako ng paborito mong adobo, para naman kahit papano mawala ang pagod mo." Nakangiting saad ni Jhayz.

"Sige love, basta gusto ko yung tulad ng dati, yung maanghang." Masiglang sabi ni Wilson.

"Okay! Masusunod love ko!" Saad ni Jhayz.

At nagsimula na sila sa mga gawain nila. Habang nagluluto si Jhayz ay sinasadya ni Wilson na dumaan sa likuran nito para pasimpleng makahalik sa pisngi nito. Ngunit pilit na umiiwas si Jhayz pero nagagawa parin ni Wilson ang nakawan ng halik si Jhayz.

Natapos na sila sa kanya kanya nilang gawain kaya naghain na si Jhayz ng pagkain para makakain na sila. Magkatabi lang sila habang nakain, at kung ano ano lang ang pinag-uusapan.

"Love, pag nasa ibang bansa na tayo, gusto ko ako lang ang tititigan mo ah. Mahirap na mga kano ang nandoon, baka matukso ka." Ani Wilson.

"Huh? Ano ba pinagsasasabi mo love? Nag-uumpisa ka na naman ah! Wag mo ngang sabihin yan! Kahit kailan di ko yan magagawa, tandaan mo yan." Paliwanag ni Jhayz.

"Hahaha, alam ko naman yun love. Kaya nga mahal na mahal kita eh." Sabi ni Wilson habang pilyong nakangiti.

"Alam ko naman yun eh, kaya sana wag mo ng sasabihin ulit yun. Dahil hindi ko gustong marinig yun." Saad ni Jhayz.

"Masusunod mahal ko." Sabay saludo nito kay Jhayz. "Anyway, ano nga pala yung pinag-usapan nyo ng ex mo kahapon?"

Biglang napatigil si Jhayz sa pagkain nya. Natigal-gal sya habang nakatulala at nakatutok ang kutsara sa bibig nya. Ibinaba nya iyon at hinarap si Wilson.

"Love... wag mong bibigyan ng kahit anong malisya ang nga sasabihin ko ah. Basta makinig ka lang ng maayos sa mga sasabihin ko." Ani Jhayz at tumango naman ito sa kanya.

Inihayag na nya ang mga nangyari sa pagkikita nila ni Joven. Walang namang nagawa si Wilson kaya di nalang sya nagreact. Pinilit nya ang sarili nya na di magselos sa dalawa para hindi na sila magkagalit muli.

"So, okay lang ba sayo kung next time ay magkikita ulit kami ni Joven, if in case?" Ani Jhayz.

"Oo naman. Bakit hindi." Sabi naman ni Wilson kahit sa loob-loob nya ay hindi talaga sa kanya okay.

Our Complicated Heart RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon