Chapter 18: Hindi ako BITTER!

342 11 0
                                    

// JHAYZ'S P.O.V. //

Halos four nights din akong umiyak dahil dun. Nakakainis naman kasi 'tong feelings ko eh! Ansakit! Sobrang sakit. Kung kailan magpa-finals na ng first quarter, saka ako di makapag-focus! Kainis! Aishh!

Lumipas na ang maraming araw, unti-unti na akong nakakalimot. Well, in fact close na ulit kami ni Joven. But, hindi gaano kasi naiinis ako sa kanya.

( One day, before ang monthsarry nilang dalawa... )

Cleaners kami that time.

"Jhayz!" Si Joven.

"What?"

"Pwede mo ba akong tulungan?" Pagmamakaawa nya sakin.

"Saan? Anyway, madali lang ba yan? Kasi kung mahirap di ko yan gagawin."

"Hindi naman ako hihingi sayo ng favor kung mahirap ang gagawin mo eh."

"Bakit ba? Ano ba kasi kailangan kong gawin?"

"Tulungan mo lang akong hanapin ang mga pictures namin dalawa ni Aryan. Kasi may may surprise sya sakin. Please!"

Makaka-hindi ba ako? Well, nag-please sya sakin. Kaya wala na akong magagawa.

"Ahmm, sure! Tutulungan kita jan." Pilit lang ang ngiti ko.

"Thanks Jhayz!" Akmang yayakapin nya na ako pero pinigilan ko sya.

"Wait wait wait! Hindi mo na kailangan gawin yan. OK na sakin yung thank you mo." Sabi ko sa kanya w/ fake smile.

Nag-umpisa na kaming maghanap ng mga pictures, trinay ko hanapin sa ilalim ng mga upuan. Nag-umpisa ako sa mga chairs sa unahan. Hanggang nakarating ako sa upuan ni Joven. May nakita akong picture dun. Well, natural feelings ko, nabibitter na naman ako. Aishh!

"Joven! May nakita na ako." Tinawag ko sya, at agad naman syang lumingon.

"Sige salamat! Hawakan mo na muna." Bigla naman kumunot ang noo ko.

Ba't nya sakin papahawak. Eh kung punitin ko kaya 'to! Nakakainis na ah! Masyado na silang nang-aasar!

"Ikaw nalang kaya. Baka mawala ko pa 'to eh." Inis kong sabi.

"Ikaw na muna. Please..." Ayan na naman nag-please na naman sya. Aishh!

"Sige na nga!" Napilitan nalang ako.

Mga lima na ang nahanap namin na pictures. Well, kailangan na naming umuwi. Gabi na at baka mapagalitan pa ako ni Tita. Sabay na kaming lumabas ni Joven. Nagkekwentuhan lang kami, kahit ano ang pinagkekwentuhan namin.

"Ah, Jhayz? Gusto mo, hantid na kita?" Si Joven.

"Ah, wag na! Mag-aantay nalang ako dito ng masasakyan."

"Ah, sige. Gusto mo ba samahan na muna kita?"

"Wag na! Mauna kana Joven!" Gabi na kaya pinilit ko syang mauna ng mauwi.

"Sige! Una na ako."

"Bye!" Huli kong sinabi sa kanya.

Lumingon naman ako sa mga nasa likod ko. Medyo nakaramdam ako ng takot. Kaya, di ko na alam ang gagawin ko. Parang nagsisi ako na hindi ko tinanggap yung offer ni Joven. Well, hindi pa naman sya masyadong malayo eh kaya sasama na lang ako sa kanya.

Our Complicated Heart RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon