Chapter 58

257 7 0
                                    

Agony

____________________________________

Jhayz's P.O.V.

8AM. Late na ako nakauwi ng bahay. Lahat ng tao dito gising na. Hindi na ako nakapag paalam kay Joven, tulog na tulog pa kasi sya ng iwan ko ito sa kwarto nya. Magkatabi kami natulog matapos ang mainit na tagpo na naganap saming dalawa. Masaya ako and at the same time, nagi-guity. Hindi ko na dapat ginagawa to. Pero hindi ko nakayanang pigilan kagabi. Bumigay ako. Isa akong dakilang MARUPOK!

(Author: Marupokpok ka kamo! Malandi!)

"Nak buti naman nakauwi ka na. Kanina pa nag aalala yung asawa mo." Bungad sakin ni Mama.

"Good morning ma." Sa halip ay yun nalang ang isinagot ko. "Nasan po sya ma? Nasa taas po ba?"

"Oo. Puntahan mo na. Alalang alala kasi sya sayo kagabi eh." Mahinang pagtango nalang ang sinagot ko sa kanya.

Nag-aalala pala sya sakin kagabi.

Hindi ko maiwasan na hindi kainin ng konsensya ang buong pagkatao ko dahil sa ginawa ko. Mali talaga ang ginagawa ko. Pero kapag nararamdaman ko na masaya ako na kasama ko si Joven, nawawala sa isipan ko na mali ang ginagawa namin, na mali ang ginagawa ko.

Naabutan ko si Wilson na nakahiga sa kama namin. Nakatalikod sya kaya hindi ko alam kung gising na ba sya. Pero parang hindi pa naman dahil, hindi nya naramdaman ang paglapit ko sa kanya. Agad kong iniyapos ang kanang kamay ko sa ibabang dibdib nya. Pakiramdam ko, kailangan ko sya. Mas kailangang kailangan ko sya. Mahal na mahal ko sya pero nagagawa ko ang bagay na yun sa kanya. Nagawa kong pagtaksilan sya.

Kung dumating man ang oras na malaman mo ang kataksilang ginawa ko, sana mapatwad mo ko. Wag na wag mo kong bibitawan, mahal na mahal parin kita, love.

"Hindi mo man lang ako tinext. Para nasundo man lang kita kanina." May halong pagtatampo na sabi nya.

"Pasenya na love. Nagmamadali na kasi ako kanina umalis sa bahay nila kaya hindi na ako nakapagtext. Hinatid naman ako ng sumundo sakin dito kagabi kaya wag ka ng mag-alala." Sabi ko na lamang at saka hinalikan ang likod ng balikat nya.

Ng sabihin ko yun ay humarap sya agad sa akin. Hindi ko talaga maiwasan na kainin ako ng konsensya ng magtagpo ang tingin naming dalawa.

"I miss you, love." Ramdam ko na nahihirapan syang sabihin yun. Nakapagtataka tuloy.

"I miss you too, love." Nakangiti kong saad dito.

Napawi ang lahat ng isipin ko ng gumanti sya ng ngiti sakin. Unti-unting lumapit ang mukha nya sakin at saka nya ako dahan-dahang hinalikan. Napakasuyo ng pagkakahalik. Pakiramdam ko, ayoko ng bumitaw. Naramdaman ko ang pag angat ko at ganun na lang ang gulat ko ng mapagtantong nakaibabaw na ako sa kanya, pero hindi ko iyon pinahalata sa kanya. Alam ko ang gusto nyang mangyari. Ayokong humindi dahil baka magtampo sya sa akin. Kaya naman dapat lang na pagbigyan ko sya ngayon sa gusto nya.

AKALA ko ganun lang to kadali. Sobrang hirap pala. Nakabalik na kami sa States. Balik trabaho na kami dito at mag tatlong buwan na kaming nakabalik dito. Sobrang hirap mag-paalam sa mga pamilya, kaibigan, at mga kakilala namin sa pilipinas bago kami umalis. Pero mas nahirapan ako ng magpaalam ako kay Joven.

Our Complicated Heart RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon