Chapter 45: Waste of time

246 10 0
                                    

// JHAYZ'S P.O.V. //

2 weeks after...

"Jhayz, 2 weeks na akong nanliligaw sayo. Di mo pa ba ako sasagutin?" Ani Wilson habang nakayakap sya sa akin mula sa likod ko..

Oo, nakayakap sya sakin. Nandito kasi kami ngayon sa kwarto nya, actually sa terrace ng room nya sa labas. Pinapunta nya kasi ako dito para magbonding. Alam na nila Tita and Tito ang about sa amin, at pati narin ni Mama, pero okay lang sa kanya basta ayusin ko lang daw ang pag-aaral ko, at pumayag na din sya sa offer nila Tito na sa States na ako mag-aaral. Mabuti daw yun dahil mas malaki ang oportunidad ko kapag nakapagtapos ako ng college sa ibang bansa.

"Minamadali mo ba ako? Pag ako talaga di mo ako tinigilan kakatanong nyan, di talaga kita sasagutin." Pagbabanta ko sa kanya.

"O sige, ganito nalang. Pano ko malalaman kung sasagutin mo na ako? Sagutin mo lang to, hindi na kita kukulitin kakatanong nun." Nakangising tanong ni Wilson sa akin.

"Ngayon." Sagot ko dito.

"What do you mean? Anong ngayon?" Ani Wilson. Sus! Kunwari pang di nagets. Chos!

Eh kasi naman, gustong gusto ko na talaga sya sagutin. Matagal na, kasi nasa kanya na talaga ang lahat. Ramdam ko naman na mahal nya ako, at bukod dun mabait sya sa akin, pati narin sa mga taong nakapaligid sa kanya. Kahit na hindi ko sya kasama oras oras, ramdam ko na mabuti talaga sya. At lagi nya akong napapasaya, at higit sa lahat mahal ko sya at dahil sa kanya ay nakalimutan ko na ang taong dating nanakit sa akin. Wala din syang past relationship na maaaring maghabol pa sa kanya, kaya bakit ko pa patatagalin pang sagutin sya, eh mahal ko na naman sya diba?

Humarap ako sa kanya at ipinatong ko ang braso ko sa balikat nya habang nakahawak sya sa bewang ko.

"Sinasagot na kita ngayon Wilson." Nakangiti kong sagot sa kanya.

Syempre masaya akong sinagot ko na sya. At finally, kami na!

"Seryoso ka?! Hindi ka nagbibiro?" Aniya.

"Bakit, di ka ba na niniwala sa akin? Hindi ka ba masaya na sinagot na kita?" Nakanguso kong sabi.

Our Complicated Heart RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon