Chapter 17: Surprise or not?

333 11 2
                                    

// JHAYZ'S P.O.V. //

Sabado na kaya pumunta na ako sa bahay nila Joven. Dun daw kasi ang meeting place. And wala naman akong magagawa, alangan naman isuggest ko na dun sa bahay kami gumawa ng project. Ayokong ganon. Baka may sabihin pa ang mga kapatid ko na last na hinatid ako ni Joven dun sa bahay. Aishh!

Anyway, gustong gusto ko na talagang umuwi eh. Dahil, sobrang naiinis na ako sa dalawa kong kasama. Pano ba naman namin agad to matatapos kung may harutan na nagaganap. Aishh! Nakakainis. Hindi ko na talaga makeri ang kalandian ng dalawang 'to, Grabe!!! Kaya habang nagpupunasan sila glue, ay nagsalita na ako. Eh di ko na makeri bes eh!

"Hoy! Kayong dalawa? Maglalandian nalang ba kayo jan forever?! Ang unfair nyo. Kanina pa ako nagawa dito tapos kayo landian lang jan ng landian! Haist! Bahala nga muna kayo jan!" Tumayo ako at akmang aalis, pero pinigilan ako ni Joven.

"San ka naman pupunta?" Si Joven.

"Sa labas lang. MAGPAPAHANGIN! At tsaka baka naiistorbo ko kayo. Lalayo lang ako." Naiinis na kasi ako eh. Kaya no choice, lalayo lang muna ako.

Alam nyo yung PAIT?! Aishh! Sarap pagumpugin ng dalawang yun eh. Aishh! Tama na Jhayz! Kalma na, wag ka ng OA. Pabayaan mo na sila.

Nasa labas ako ng bahay nila Aryan. Wala akong ibang iniisip kundi ang nalalapit ko ng birthday. Actually, may one month pa, masyado lang akong excited. Well, malungkot na naman ako kasi wala na naman si Mama. Pero OK lang, binabati nya naman ako eh, nireregaluhan nya ako every year na dumating ang birthday ko. Hindi ko lang alam kung anong gift ang marerecieve ko this coming July.

Halos 30 minutes din ako sa labas. Siguro naman tapos na sila sa paglalandian nila. Aishh! Sabi ko nga tama na eh! Nasa loob na ako. Well, natapos na nila yung project. Di man lang ako na-inform. In fairness, may nagawa na sila kahit kanina... Uhmm, alam nyo na. Ahahaha.

Hay salamat! Makakauwi na ako. Lumapit na ako kila Aryan at nagpaalam na uuwi na.

"Ah, Aryan? Joven? Uuwi na ako. Salamat ah! Kayo nalang magtago ng project natin. Bye!" At biglang umakyat na si Aryan, pagkatapos nya tumango.

"Jhayz!" Si Joven.

"What?"

"Hatid na kita. May dala akong sasakyan."

"Ah, hindi na. Uhmm, tinext ko na kasi si Mark Joy. Salamat nalang." Palusot ko.

Yung totoo talaga, hindi ko naman tinext si Mark Joy. Para naman tigilan na ako ng mokong na 'to! Magaabang lang ako ng pwedeng sakyan sa labas. Pero parang ayaw talaga papigil eh.

"Kahit hatid kita jan sa labas."

"Tsk! Bahala ka!"

At lumabas na ako. Naramdaman kong nakasunod sya sakin. Nung nasa labas na kami ng gate, antagal naming nag-antay.

"Dadating ba talaga yun si Mark Joy? Parang hindi naman ata eh."

"Ah-eh, magiintay nalang ako ng masasakyan. For sure may dadaan naman jan eh."

"Sige, sasamahan nalang kita, hanggang makasakay ka."

Di ko na sya pinansin. Pero may naaninag akong motor. Parang si Mark Joy. Kapag sinuswerte ka nga naman oh. Ahahaha! Kahit hindi ko sya itext nararamdaman nya na kailan ko sya! Anlakas ko talaga sa kanya.

Our Complicated Heart RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon