Chapter 9: Christmas Gift I

684 17 0
                                    

// JHAYZ'S P.O.V. //

Nakaupo ako nun sa sala. Napansin ko na hindi umiimik ang family ko, at napansin ko na nakatitig sila sa akin.

"Ano???!!!" Inis kong tanong sa kanila.

Bigla namang ibinaling nila sa ibang direksyon ang kanilang paningin. Nakakainis talaga 'tong pamilyang ito. Aishh! Masyadong malesyoso.

"Ah, Jhayz? May itata..." Si ate. Pero di ko sya pinatapos.

"Sheda! Tumahimik ka ate! Ayokong magtanong kapa sakin." Inis na sabi ko.

(AN: Sorry nahawaan lang ng Encantadia. Ahahaha, adik much.)

Napansin kong nagtatawanan silang lahat, pero pasimple lang ang ginagawa nila. Alam kong napagkakatuwaan nila ako kaya halos lahat sila gustong magtanong.

"Ah, ako apo may sasa..." Hindi ko din pinatapos si Lola.

"Pwede ba ayokong marinig ang mga sasabihin nyo. Pashneya! Aakyat na ako!" Inis na inis kong sabi sa kanya.

Paakyat na ako sa taas ng biglang bumukas ang pinto. Kaya natigilan ako sa pag-akyat.

"Hello guys! Merry Christmas! Sorry I'm late! " Nakangiting sabi ni Rachelle.

Tinignan nya lang ako at ibinaling nya na sa ibang direksyon. Medyo hindi ko nagustuhan ang ginawa ni Rachelle kaya tuluyan na akong pumasok sa kwarto ko. Habang nasa terrace ako, ay nakatingin ako sa mga stars. Tinignan ko ang relo ko. 20 minutes nalang at magki-Christmas na. Habang pinagiisipan ko yung mga sinabi ni Mark Joy sa akin ay biglang may kumatok sa pinto. Hindi ko yun pinansin kaya nagpatuloy lang ito sa ginagawa nito. At bigla itong pumasok. Nilingon ko ito. Si Rachelle. Ano naman ang ginagawa nya dito?

"Jhayz? Kamusta kana?" Nakangiti sya.

"Ayos naman ako. Wag kang magalala. May mga bago na akong kaibigan. Hindi na kita kailangan. Mas mabuti pa siguro kung kalimutan nalang natin ang mga nangyari noon." Seryoso kong sabi kay Rachelle. At bigla akong tumayo sa kinauupuan ko at lumayo sa kanya.

"Ah, ganon ba? Mabuti naman. Andito nga pala ako para magsorry. Kasi hindi ko man lang inisip yung friendship natin noon. Mas pinauna ko pa ang pagmamahal ko sa taong kahit kailan hindi naman talaga ako mamahalin. Kaysa sa pagmamahal ko sa tunay na kaibigan na kahit kailan ay hindi ako iiwan. Sorry Jhayz, sana this time ako naman ang patawarin mo." Naiiyak na sabi ni Rachelle.

Our Complicated Heart RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon