Chapter 33: In a fake relationship

273 8 1
                                    

// JHAYZ'S P.O.V. //

Hinihintay ko nalang ang pagdating ng J-FLAME. Naiinip ako dahil sobrang tagal nila, kaya kinuha ko nalang yung phone ko para mag-facebook.

/scroll-scroll-scroll/

"OMO! Who did this?!" Nagulat ako sa nakita ko.

Nakita ko yung mga pictures naming dalawa ni Joven na naka upload sa group namin.

Picture 1: Yung time na kinorner ako ni Joven gamit ang braso nya. (Nung hinalikan nya ako)
Picture 2: Nung gabi na magkausap kaming dalawa sa garden.
Picture 3: Yung time na nagwish ako sa wishing well tapos nandoon lang sya sa likod ko nakatayo.

Aishh! Ang nagupload ng pictures sa group ay yung class photographer namin na si May. Nakakainis!!!

"Ahhhhhhhhhh! Nakakainis!!!" Sigaw ko, dahil sa inis.

"Oh? Couz, anyare? Ba't may pasigaw sigaw ka pa dyan?" Biglang pasok ni Rachelle at yan agad ang tinanong.

"Aishh! May nagupload ng pictures namin ni Joven sa Facebook! ... Na magkasama!" Inis ko na sabi. Agad nya naman kinuha ang phone nya at nag-facebook.

"Couz? Is this what you are saying?" Ipinakita nya pa sakin yung mga pictures eh alam nya naman na naiinis na ako kaya tinignan ko sya ng masama. "Sorry, he he!"

"Aishh! Pagbumalik lang talaga ako ng school, makikita nyan ng May nayan ang hindi nya inaasahang Jhayz---" Pinutol ni Rachelle ang sasabihin ko at may ipinakita syang picture.

"Ah, couz? Have you seen this?" Medyo natatakot na tanong ni Rachelle.

Ipinakita nya yung picture namin ni Joven nung bigla nya akong halikan. Nanlaki ang mata ko ng makita ko iyon, pero ang mas ikinagulat ko ay naka-tag sakin at kay Joven yung picture. Aishh!!! Hindi ko na talaga kaya pang pigilan ang inis ko!!!

"Mga hay*p talaga sila! Aishh! Hindi ko talaga papalampasin ang ginawa sakin ng May na yun!" Sabi ko.

"Sayo nga lang ba?" Medyo natatawang tanong ni Rachelle.

"What do you mean?!"

"What I mean is, sayo nga lang ba may ginawa si May? Di ba pati rin kay Joven?"

"Duh! For sure wala yun pakialam. Tsaka sya ang may kasalanan kung bakit to nangyari!" Inis kong sabi at tumayo ako para bumaba.

"Edi ibig sabihin nakuha nya na yung first kiss mo. Hahaha!" Pahabol nya kaya napahinto ako sa tapat ng pinto.

"Pwede ba, tumigil ka sa pang-aasar sakin! Hindi ako natutuwa."

Pagbukas ko ng pinto ay sakto namang nandito na yung mga best friends ko. Kaya bigla nag-iba yung mood ko.

"Jhayz! Ikaw ah, di mo man lang sinabi samin yung nangyari sa inyong dalawa ni Joven. Akala ko ba best friends mo kami?" Si Marielle.

Our Complicated Heart RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon