Chapter 13: Summer Break

469 8 0
                                    

// JHAYZ'S P.O.V. //

Sa totoo lang, ramdam ko naman talaga na nasasaktan na talaga si Mark Joy. At dahil yun sa mga pinaggagagawa ko. Hindi ko dapat kasi pinapansin to si Joven eh. Anyway, tsaka ko na yan iintindihin. Pagod na ako at kailangan ko na magpahinga. Hindi na ako kumain ng hapunan dahil nakatulog na ako.

Kinabukasan ay nakatanggap ako ng 13 missed calls. OMO?! Galing kay Joven. Pero hindi ko naman inaakala na tatawag sya eh. Bakit kaya?

Habang naghihilamos ako sa C.R. at nakaharap sa reflection ko sa mirror ay bigla kong naalala si Mark Joy. Hindi ko naman maiwasang malungkot dahil naging malapit na sya sa akin. Pero hindi ko gusto 'tong nararamdaman ko. I need to be true to myself. Ayokong may nasasaktan sa mali kong decision.

Naisipan ko na pumunta kila Mark Joy. Pero, paano ko sasabihin na hindi ako sigurado sa sinabi ko sa kanya that night? Aishh! Bahala na si Batman!

Nasa pinto na agad ako ng bahay nila Mark Joy. Pinindot ko yung doorbell sa gilid ng gate. Kinakabahan ako dahil sa takot at hiya kay Mark Joy. Ewan ko ba. Bigla namang bumukas ang gate nila. Si Mark Joy ang nagbukas nito. Napangiti sya ng nakita nya ako. Kaya nginitian ko din sya.

"Joy? Pwede ba kitang makausap?"

"Oo naman. Tara pasok ka sa loob."

"Ah, kasi Joy medyo confidential yung sasabihin ko sayo. Kaya pwede bang sa ibang place nalang?"

"Ah, sige kung yan ang gusto mo." Medyo may hinala na sya sa sasabihin ko. At ramdam ko ang lungkot sa boses nya ng pumayag sya.

Sumakay na kami sa motor nya. Pumunta kami sa dating daungan ng mga sasakyang pandagat. Dito kasi ay madalas lang na magpunta ang mga tao. Nag usap na kaming dalawa.

"Joy, gusto ko lang sabihin sayo na hindi pa ako sigurado sa sinabi ko sayo that time na nag-usap tayo. And I don't think na dapat mo pa akong patawarin. Sorry Joy, but I think this is not the right time to love you back. Hindi pa ko pa siguro nakakalimutan si Joven kaya ganito ang nararamdaman ko. I hope you will forgive me." Nahihiyang sabi ko sa kanya.

"OK lang Jhayz. As I said, willing parin ako maghintay."

"Joy naman kasi eh! Ayoko kasing may nasasaktan dahil sa mga decision ko. Hindi mo naman kasi kailangan gawin yan eh. Gusto ko sana na kahit humanap ka ng iba para may pagkaabalahan ka. Hindi yung palaging ako nalang lagi. Gusto ko maging masaya ka din kasi di ko kayang makita na nasasaktan ka."

Our Complicated Heart RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon