Chapter 12: Confuse

479 10 0
                                    

// JHAYZ'S P.O.V. //

Kinabukasan ay maagang gumising kaming lahat. Nagready na kami para sa activities this day.

Natipon kaming lahat. Hinati ang lahat sa apat na grupo. Ang Yellow, Red, Blue, and Green Team. Sa Yellow, naging leader si Maybelle, isa sa mga classmates ko. Sa Red naman ay si Francene Faye, classmate ko din. Sa Blue ay si Mark Joy, kasama nya doon si Rachelle. At sa Green ay ako naman ang naging leader, well kasama ko si Joven dito.

Nag-umpisa na ang activity. Ang first activity ay Finding Your Flags. Here, kailangan hanapin ang Flags na ka kulay ng team nyo. Bawal lumampas sa white lines na nakapalibot sa 500 sqm na Camping area. At may 1 hour lamang kami para hanapin ang mga Flags. Pag nagbuzz na ay ibig sabihin ay tapos na ang time. May tig 100 Flags kada group. Ang may pinakamaraming makuha ay syang magkakaroon ng points.

Sa group ko ay 40 students lang kami. Kaya hinati ko ang group ko sa apat. And pinapunta ko sa tigkabilaang side. Nag-umpisa na kaming maghanap. Sa ibang direksyon pumunta si Joven. Which means, hindi kami magkasama.

Wala pang 5 minutes ay naka 10 Flags na agad kami. Ako ang humahawak ng Flags dahil ang leader ang magdadala ng Flags after 1 hour. Naghiwahiwalay kaming sampu. Habang naglalakad ako ay nakita ko ang white line.

Hindi ko alam kung bakit ako natetemp na tumawid dun. Nako-curious kasi ako. Kaya tumawid na nga ako.

Naglalakad ako pababa ng bigla akong madulas. Muntik na akong madausdos pababa kung walang sumalo sa akin. Si Joven yun.

"Jhoven?! Anong ginagawa mo dito?!" Nagtataka kong tanong sa kanya.

"Ikaw dapat ang tanungin ko nyan! Ano bang ginagawa mo dito?! Alam mo bang pwede tayong madesqualefied sa ginagawa mong yan?"

"Wag mo nga akong pakealaman!" Nung tinanggal ko ang pagkakahawak nya sa akin ay muntik na naman akong mahulog.

...

"Wooowwhhh!!!" Sigaw ko.

But this time, sinalo nya ako at hinigpitan nya ang pagkakakapit sa likod ko. Na para bang yakap nya ako. Kaya hindi ako makagalaw. Magkalapit ang mukha namin dahil sa pagsalo nya sakin.

"Ano? Bibitaw ka pa ba?" Bulong ni Jhoven, halatang inaasar nya ako.

Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko. Katulad nung una naming encounter. Kakaiba talaga. Parang nabuhay na naman yung puso ko dahil sa kanya.

Aishh! Bakit ganon iniisip ko?! Nagtapat palang ako kay Mark Joy kagabi tapos eto ako ngayon kung ano ano ang pinagsasasabi ko. Aishh! Ano ba Jhayz! Naguguluhan ka lang. Siguro kaya ko na sabi yun kagabi dahil sya yung iniisip ko nung time na iyun. Pero paano yung kiss? Alangan naman di ko yun na pigilan. Alangan naman di ko yun pinagisipan. Hay naku! Naguguluhan na talaga ako.

Umakyat na kami papasok ng white line. Buti nalang ay walang nakakita samin. Kaya naman ay nagpatuloy na kami sa pag hahanap. Umalis na si Jhoven. At ako naman nanatiling nakatayo. Nung hindi ko na natanaw pa si Jhoven ay naglakad ako papunta sa right side ko. Pero tatlong step palang ang nagagawa ko ay nakita ko si Mark Joy na ang sama ng titig sakin. Mga 3 meters ang layo namin sa isa't isa.

"Joy?! Kanina kapa dyan?" Tanong ko sa kanya. Pero di nya ako sinagot dahil bigla syang umalis.

Ano kayang problema nun?! Haist! Ewan ko ba sa kanya!

// MARK JOY'S P.O.V. //

Nakakainis! Bakit sa dinami dami pa ng pwedeng maging kagroup nito ni Joven ay si Jhayz pa! Pwede namang iba nalang diba?! Aishh! Nakakainis. Nakita ko na magkalapit ang mga mukha nilang dalawa. Nakakainis kasi parang si Joven ay ayaw na nyang bitawan si Jhayz.

Nakita ko nung umalis na si Joven ay nakatitig parin dito si Jhayz. Anong ibig sabihin nun?! Na nagkakagusto ulit sya kay Joven?! Aishh! Nakakainis! Akala ko ba ako na ang mahal nya?! Bakit ganun? Iba ang pakiramdam ko kapag magkasama sila. Parang may kung anong namamagitan sa kanila. Nung nakaalis na si Joven ay napalingon sa side ko si Jhayz.

"Joy?! Kanina kapa dyan?" Tanong nya.

Pero di ko sya sinagot. Tumakbo nalang ako palayo sa kanya.

Natapos na ang 1 hour. Nung nabilang na ang mga Flags ng kada team ay ito ang kinalabasan:

*Green - 96 Flags
*Blue - 89 Flags
*Red - 75 Flags
*Yellow - 69 Flags

Which means, panalo sila Jhayz. Masaya naman ako pero naiinis parin ako.

Marami pa ang activities ang ginawa namin maghapon. At ipagpapatuloy pa namin yun bukas. But 2 activities nalang.

Nagpapahinga na ang lahat dahil sa pagod. Naisipan kong pumunta muna sa view na pinuntahan namin kagabi ni Jhayz. Aishh! Naalala ko na naman yung sinabi nya sakin kagabi. Kung totoo ba talaga yun o hindi. Wala akong makuhang talamang sagot. Nakakainis! Ang hirap kapag mag-isa ka lang ang nagmamahal, dahil mag-isa ka lang din na nasasaktan. Ang hirap na nakakapagod. Pero, anong magagawa ko eh mahal ko naman talaga sya. Siguro, kailangan ko munang hintayin kung sigurado na ba talaga si Jhayz sa nararamdaman nya. Para kahit papaano ay konting sakit lang ang nararamdaman ko.

Kinabukasan ay tinapos na namin ang mga activities. At pagkatapos ay pinaghanda na kami ng mga gamit namin. At ipinaligpit na ang mga gamit namin at ang mga tent.

Nagtipon kami sa center ng Camping area. Pinasulat kami ng mga magagandang memories na nangyari samin this 3 days Officers Team Building Camping. Ang sinulat ko ay...

"Naging masaya ako dahil nakasama ko ang taong mahal ko. At kahit papaano ay ipinaramdam nya sakin na mahal nya ako. Kahit medyo mahirap paniwalaan ay tinanggap ko parin dahil mahal ko sya. 'Coz I can do anything for him just to feel the love I wanted."

-Mark Joy

Naging masaya naman talaga ako eh. Kaso hindi masyadong gaano kasaya. Pero ayos lang. Mas gusto ko paring lagi kaming magkasama, kaysa magiwasan kami araw araw.

Nasa bus na ang lahat at  nag-umpisa ng umandar ang makina nito. Nasa byahe na kaming lahat. Natulog naman ako habang nasa byahe. Paggising ko ay nasa school na kami.

Pumunta naman agad ako sa bus na sinasakyan nila Jhayz. Aayain ko sana syang ihatid. Pero nakababa na lahat ng sakay ng bus. Hindi ko nakita dun si Jhayz. Naisipan ko na baka nasa loob na ng campus yun kaya naman ay pumunta agad ako pero bago pa ako makapasok ng gate ay nakita kong sakay ni Joven si Jhayz sa motor nya. Hindi ko alam pero, parang si Jhayz naman ang umiiwas sa akin. Ako na naman itong nasasaktan. Haist! Nakakainis!

Naisip kong magpahinga nalang. Umuwi na ako sa bahay. Nagmukmok lang ako maghapon. Well, wala akong magawa eh. Hanggang sa dapuan na ako ng antok.

Please vote, comment & follow me!!!

Our Complicated Heart RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon