Chapter 15: Enrolled

405 10 0
                                    

// JHAYZ'S P.O.V. //

Nasa bahay na ako at nagpapahinga. Kakatapos lang ng outdoor swimming namin. Masaya sya, and I really enjoy this day. Hindi ko na nga pala alam kung ano na ang nangyari kila Ester and Niño, after ko silang iwan. Kayo ba guys? Alam nyo ba?! He he. Anyway, yun na nga at nakahiga na ako sa bed ko. Di ko na malayan na nakatulog na ako.

( Enrollment day... )

Nasa labas ako ng bahay. Well, may inaantay ko si Niño. Mageenroll na kasi kami ngayong araw, and tinext ko sya na magaantay nalang ako sa labas ng bahay.

Ilang minuto na akong nagiintay sa labas. Aba?! Bwiset! Antagal?! Asan na ba yung tukmol na yun?! Pag nalaman ko lang na hindi kami matutuloy sa pagenroll ngayon, mapapatay ko talaga sya. Porket maganda ako, pwede nya na akong pagantayin! ( Charot lang guys! ) Bwiset talaga sya.

Mga ilang minuto pa ang lumipas ng biglang may tumigil ang isang Ford Everest. Di pamilyar sakin, kaya di ko na yun pinansin. Tutal di naman talaga tumigil sa harap mismo ng bahay namin eh, sa kabilang kalsada. Nagulat ako dahil bigla itong umikot at pumunta sa harapan kung saan ako nakatayo. Bumukas ang pinto ng sasakyan.

"Niño?! Sayo yan?!" Gulat kong sabi.

"Oh?! Di ka ba sasakay?"

Naalala ko galit pala ako. Kaya bigla namang kumunot ang noo ko. At napansin nya 'yon.

"Galit ka ba?" Tanong nya.

"Aba?! Pagkatapos mo kong pagantayin dito. Magtatanong kapa?! Halika nga dito at babatukan talaga kita!" At hinabol ko sya, kasi agad syang tumakbo.

"Wait! Teka lang! Aalis na tayo! Tama na naman oh!" Pag mamakaawa nya.

Tinigilan ko na sya. Pumasok na kami sa sasakyan nya. Nakarating na kami sa school. At dahil transferee sya, kailangan pa syang interview-hin ng principal ng school. Nasa loob na sya. Ako naman nagpe-fill up na ako ng mga papers.

Natapos na ako lahat lahat, pero di parin sya nalabas. Naiinip na ako. Maya maya lang ay lumabas na sya.

"Antagal mo naman! Kaloka?! Halos malusaw na ako dito kakaantay! Anyway, tara na. Hatid mo na ako sa bahay."

"Ay?! Ganon? Di man lang ba tayo kakain?"

"Tumahimik ka Niño. Wala akong dalang pera. At tsaka, dun nalang tayo sa bahay."

"Libre ko naman eh."

"Aishh! Tumahimik ka. Kung gusto mong kumain sa labas, mag-isa ka! Basta ako, sa bahay lang ako."

Our Complicated Heart RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon