Chapter 55: Province

258 8 1
                                    

A/N: Hey hey guys, eto na yung request nyong updated. Hope you enjoy this chapter. Saranghae💖


// THIRD PERSON P.O.V. //

Hindi tulad ng napag-usapan, ng matapos na nila asikasuhin ang mga kailangan nila sa pag-alis ng bansa, naisipan ni Jhayz na bisitahin ang pamilya nito sa probinsya.

"Love, okay lang ba sayo kung pumunta tayo sa probinsya namin? Sobrang tagal na din kasi nung huli akong makapunta doon." Medyo malungkot na saad ni Jhayz habang nakayakap kay Wilson. "Pero okay lang naman kung ayaw mo. Ako nalang mag-isa pupunta doon."

"Ano ka ba love? Papayag ba ako na iwanan ka? Syempre sasama parin ako."

"Akala ko kasi ayaw mo eh."

"Bakit mo naman na isip na ayaw ko?"

"Wala lang. Sige na, aalis na tayo mamaya kaya ayusin na natin ang mga dadalhin natin."

Nagtungo na si Jhayz sa kwarto nila habang si Wilson kumuha ng maleta na paglalagyan ng damit nila. Ng makakuha na ito ay agad na syang nagtungo sa kwarto.

"Love oh. Lagay mo na dyan mga damit natin. Yung underwear ko ah, wag mong kakalimutan." Saad ni Wilson saka sya pilyong ngumiti.

"Anong nginingiti-ngiti mo dyan, ha?" Ani Jhayz.

"Wala lang." Lumapit sya kay Jhayz at saka ito yinakap mula sa likod. "Mahal na mahal kita."

"Ano na naman bang iniisip mo at sinasabi mo yan?" Nakangiting saad ni Jhayz na halatang kinikilig.

"Wala lang. Hindi kasi ako magsasawang sabihin sayo na mahal na mahal kita." Saad ni Wilson at saka hinalik halikan sa leeg si Jhayz.

"Tsk. Ano ba, nakikiliti ako love." Saad ni Jhayz habang sinusubukang makaiwas sa ginagawa nito. "Gusto mo na naman bang may mangyari ngayon sating dalawa dito Wilson Chavez?" Dagdag nito na nagpatigil kay Wilson.

"Alam mo naman kung ano ang lagi kong sagot dyan diba?"

"Not now love. Aalis na tayo mamaya kaya ayoko muna mapagod." Natatawang saad ni Jhayz. Halata ang pagbabago ng emosyon ni Wilson. "Love, gawin nalang natin yan next time. Please."

"Aish! Ayan ka na naman sa please mo eh! Sige na nga. Basta next time ah." Ani Wilson saka nya hinalikan sa labi si Jhayz.

"Sige na, maligo ka na. Malapit na ako matapos dito. Sunod nalang ako sayo maligo."

---

Nang matapos na si Jhayz sa paghanda ng mga dadalhin nila sa probinsya nila ay nagluto agad sya ng dadalhin nila sa byahe. Mga pritong karne ang niluto nya para hindi madaling mapanis dahil halos 10 hours ang byahe from Manila to Bicol.

Nang matapos naman ito sa paghanda ng mga dadalhin ay bumalik ulit sya sa kwarto nila upang maghanda ng susuutin. Ng pagpasok nya sa kwarto ay tapos ng maligo si Wilson.

"Love, ikaw na bahala sa niluto ko. Ilagay mo nalang sa food container para may makain tayo sa byahe. Maliligo na ako." Saad ni Jhayz at hindi na hinintay pang sumagot si Wilson.

Natapos na ang lahat ng kanilang gagawin. Nakahanda na sila sa pag alis. Ang lahat ng gamit na dadalhin naman nila ay nailagay na sa loob ng sarili nilang sasakyan.

"Ready ka na ba love?" Masiglang tanong ng lalake.

"Kanina pa love *ngumiti ng napakatamis* dahan dahan lang sa pagmamaneho ah?" Paalala naman ng babae.

Our Complicated Heart RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon