Chapter 41: Miss the kiss

275 7 1
                                    

// THIRD PERSON P.O.V. //

5am. Naunang nagising si Wilson. Nagising sya na nakaharap sa mukha ni Jhayz na ngayon ay mahimbing paring natutulog. Mga isang metro ang distansya nila sa isa't-isa kaya nagawa nya itong titigan. Paminsan minsan ay natatawa sya dito.

Maya maya pa ay naisipan nya na bumangon. Lumabas sya sa sliding glass door na nasa room nila. Tanaw na tanaw nya ang magandang dagat mula sa labas ng room nila na nasa 6th floor.

Napansin nya na pagising na si Jhayz, kaya tinitigan nya nalang ito hanggang sa magising.

"Good morning! Kamusta tulog mo?" Bati nito kay Jhayz na kakagising pa lamang.

Nginitian sya nito. "Good morning! He he, Kanina ka pa ba gising?" Ani Jhayz na medyo naaalimpungatan na.

"Ah, medyo. Any way, gusto mo ba magkape? Punta na tayo sa baba." Sabi nito ng makatayo na si Jhayz at maglakad patungo sa kanya.

"Sorry, hindi ako nagkakape. Milk or tea lang." Sabay ngiti naman nito kay Wilson.

"Oh, sorry. Hindi ko alam." Medyo pagkapahiya na sabi ni Wilson.

"No, its okay. Marami ka pa talagang hindi alam tungkol sa akin." Sabi ni Jhayz. Nginitian naman sya ni Wilson.

"Tulad nang?" Ani Wilson.

"Aabutin tayo dito ng syam-syam kung iisa-isahin ko lahat ng hindi mo pa alam tungkol sa akin." Ani Jhayz at nginitian nya ito at ganon din ang ginawa ni Wilson.

Naglakad sya papunta sa closet at kinuha ang manipis na pangkubli sa katawan nito na nakasuot ng manipis na pang tulog.

"Ano? Di pa ba tayo bababa? Medyo nagugutom na din kasi ako eh." Sabi nito ng masuot na ang kinuha nya sa closet.

Our Complicated Heart RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon