Chapter two

7.3K 178 1
                                    

Hiro's pov

Hinahanap ko si Akemi dahil wala sya sa dorm nila ng magpunta kami dun nila Ken. Kaya napagpasyahan kong hanapin siya dito sa gubat, sabi ni Akane ilang oras na din daw syang wala. Isa lang naman ang lagi niyang pinupuntahan dito, Ang grave ng mama niya at ni Demi.. Ngunit wala sya dito, hahanapin ko sana sya sa hill ng may marinig akong kaluskos sa bandang east side nitong forest.. Hindi kaya si Akemi yon? Napaka reckless talaga niya.. Mapanganib ang parteng yon dito sa gubat dahil sa mga wild animals na naninirahan dun..

Pinuntahan ko kung saan ako may narinig na kaluskos.

"Shit!" sigaw ko sa isip ko ng makita ko si Akemi na di makagalaw sa kinaroroonan niya, nakaupo sya sa tabi ng isang malaking puno at sa tingin ko ay na injured sya base sa expression ng mukha niya. Ngunit mas ikinagulat ko ng makita kong may sumusugod na wild animal sa kanya.. Isa itong napakalaking oso at akmang susugurin ko na ang osong yon ng biglang tumilapon ito sa malayo.. tumama sa punong malaki at bumagsak nalang ito ng walang malay.. Sa tingin ko ay buhay pa ito, sobrang lakas lang ng impact ng pagkakatama niya sa puno kya ito nawalan ng malay.

wait..did Akemi did that? hindi ako makapaniwala sa nakita ko.. I'm sure si Akemi ang gumawa nun.. tumakbo ako palapit sa kanya ng bigla syang mawalan ng malay.. Ohh my.. namamaga na ang paa niya. sa tingin ko naubos ang stamina niya kaya sya nawalan ng malay..

Tumakbo na ako sa medical clinic at buti nalang ay inaassist siya kaagad ni Dr.Yuuki..

Sinabi ko naman sa  kanya ang nangyari,
" She is really Akemi's daughter.. alam mo Hiro, ang mama niya nung nabubuhay pa ito, lagi din nagkakasprain at galing din sa gubat.. just like her now.. " at tumawa pa ng bahagya si Dr.Yuuki pagkasabi nun.. Hindi naman ako makatawa dahil nagaalala padin ako sakanya..

"Don't worry, she's okay now.. She only needs rest, pagkagising niya makakauwi na sya." then she tapped my shoulder before she left..
"Thankyou Dr.Yuuki.." , then she smiled.

Sinabi ko na din kay dad ang nangyari, pero nawala na ang pagaalala niya ng sinabi kong okay na si Akemi.. Sinabi ko rin ang nakita ko ng sugurin siya ng oso sa gubat..

Tahimik na nagisip si dad matapos kong sabihin yon. Hindi ko naman mabasa ang isip niya..

"Nathan.. take good care of Rainie, huh.."
bilin sa akin ni dad..
"Of course dad.. I will, even if you don't tell me, I will surely do", ngumiti ako kay dad, at ganun din sya saken. Nagpaalam na ako sa kanya dahil babalikan ko pa si Akemi.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Akemi's pov

Nagising ako na nandito na sa clinic.. inalala ko ang nangyari..Grabe, hindi pa din ako makapaniwala.
Biglang bumukas ang  pinto at pumasok si Hiro..

"How do you feel? " Hiro asked me..
"I'm okay now..ikaw ba nagdala saken dito?"
"Yes, you are too stubborn. Alam mong bawal pumunta sa part na yon ng gubat pero ang kulit mo talaga. I hope there will be no next time na pupunta ka pa duon."Pinagalala mo ako ng sobra..

The last thing he said, I heard that on his mind.. pero hindi nalang ako kumibo..  may mga times na ganito.. nababasa ko ang isip niya kahit na closed by default ito.

Nagpout nalang ako dahil alam kong talo ako ngayon sa kanya.. Anyway, kasalanan ko naman talaga.

Inalalayan niya na akong makalabas ng clinic, he actually offered me a back ride.. Dahil sa natatakot akong maramdaman ko ulit ang sakit ng paa ko kanina ay pumayag na ako.

Pagpasok namin sa dorm ah kumpleto sila, pati ang boys.

"Hiro, anung ginawa mo kay Akemi hah?!" bungad ni Akane sa amin.

Pero lahat sila ay iisa ang expression ng mukha.Mga nakangiti ng nakakaloko at nagaasar. Tinignan naman sila ni Hiro with his dead face at tumahimik na sila.. kanya kanya ng labas ng dorm. Hahahaha, mga takot kay Hiro!!!

AKEMI-TANTEI HIGH Where stories live. Discover now