Chapter Twelve

5.3K 157 0
                                    

Nandito na kami ngayon sa tapat ng dorm namin. Pero wala akong naririnig na kahit ano sa loob.

"Hiro, wala sila Akane?"

" Nakalimutan kong sabihin sayo na bukas pa sila makakabalik. They are on  a mission. Tatlo sila. Si Riye, Ken, at Akane. Si Reiji naman malamang nasa dorm na ngayon. Hindi kasi nila alam na ngayon ang balik mo.. Ako lang ang kinausap ni Dad about this. "

Tumango nalang ako ng marahan sa kanya.


Nakakalungkot naman .. wala pala akong makakasama.. Excited pa naman akong magkwento sa kanila.. Huhuhuhu!



Binuksan ko na ang dorm saka niya pinasok sa loob ang mga gamit ko.

"Okay ka lang ba dito? Kumain ka na ba?" Tanong ni Hiro sa akin.

" Actually hindi pa talaga ako nakakakain simula kanina.. "

At nagugutom na nga ako..


"Tara.."

Hinila niya naman ako sa kamay palabas ng dorm.



"Sa plaza na lang tayo kumain. Hindi pa din ako kumakain. Sabay na tayo."

Napangiti naman ako sa kanya.



Wala masyadong tao sa plaza. May mangilan ngilan na estudyante na nasa lower level ang nakatambay sa labas ng foodcourt. Kumaway pa sila sa amin.

" Teka, diba si Miss Akemi yun,? Yung anak ni Mr. President? Parang ngayon ko lang ulit sya nakita.."

" Ou nga noh.. Ang ganda niya pala. Ngayon ko lang siya nakita ng malapitan.."




Bigla naman ako nakaramdam ng pagkailang sa mga naririnig ko sa kanila..

Dumiretso na kami ni Hiro sa loob at pumili ng makakain.
Noodle soup ang pinili ko, Tuna sandwich naman kay Hiro.

Tahimik lang kaming kumain hanggang sa matapos kami. Hmp! Siguro nga galit siya sakin. Kakainis! Kababalik ko lang dito tapos ganito pa siya sa akin.







Tumayo na kami at naglakad pabalik sa dorm. Madilim na, nakaramdam na din ako ng pagod.
Siguro dahil wala kaming imikan kanina pa. Napanis lang laway ko sa kanya! Kainis talaga!









Nang makaakyat kami sa dorm ay naghiwalay na kami. Babalik na din daw siya sa dorm nila. Hindi ko pa nakikita si Reiji.




Dumiretso na ako sa cr, maglilinis na ako ng katawan para makapagpahinga na ako.

Pagkalipas ng ilang minuto ay lumabas na ako ng cr, ngunit parang may kakaiba akong nararamdaman..






Someone is here..











"Teka! Bakit nandito ka?"


"Para samahan ka."



"Sandali nga lang, kanina halos ayaw mo akong kausapin tapos ngayon papasok ka ng walang paalam sa kwarto namin para sabihing sasamahan mo ako? At sinong nagsabi sayo na---"

"Gusto ko."

Saka siya humiga sa kama ko.

Grrrrrrrr!! Nakakainis talaga 'tong Hiro na 'to!!!


"Isusumbong kita kay Mama 'pag hindi ka tumayo dyan!"

Deadma lang.



Kainis talaga!!!


AKEMI-TANTEI HIGH Where stories live. Discover now