Chapter Fifteen

5.3K 150 5
                                    



Pagkabalik daw ni Mr.Kimoto sa opisina niya ay nadatnan niya ang note na ito sa table niya.



At ang secretary niya lang daw ang nakita sa cctv na pumasok sa office niya.

Sa tingin ko ay matibay ang hinala ni Mr.Kimoto na si Mrs.Jimenes ang gumagawa nito sa kanya.


Kaya kailangan na naming kumilos para malaman na kung sino ang nasa likod ng mga pangyayaring ito.







Pinasundo kami ni Mr.Kimoto sa isa sa mga body guards niya para pumunta sa office niya sa kumpanya.


Nang makarating kami doon ay agad kaming ipinatawag sa kanyang opisina.

Malaki ang opisina niya. May part na may sofa set at mayroon ding comfort room. Nasa center naman ang table niya. Mula sa pintuan, may apat na metro ang layo ng table niya. May isang table din na nakalagay isang metro ang layo sa main table niya. Sa tingin ko ay doon nilalagay ng mga empleyado niya ang report.
Biglang may kumatok sa pinto at pumasok ang isang babae. Si Mrs.Jimenes.

May inilapag itong mga papeles sa isang table na malapit kay Mr.kimoto.

"Sir nandito na po ang mga kailangan n'yo. Mayroon po kayong meeting kay Mr. Gonzales at 1:30 pm. "

"Angela, cancel all my appointments for today."

"But sir hihintayin daw po kayo ni Mr. Gonzales, kahapon niya pa po kayo hinahanap.."

"Diba ang sabi ko sayo hindi ko kukunin ang offer niya? Hindi mo pa ba nasasabi iyon sa kanya?"

"Sinabi ko na po sir pero mapilit po siya.."
At yumuko na ito dahil siguro medyo tumaas na ang boses ni Mr.Kimoto.

"Tell them that I have priorities for today."

"Yes Sir.."

Saka ito lumabas ng opisina.

Nagsimula naman kaming maghanap ng kahit anong kakaiba sa kwarto.

Lumapit naman ako kay Mr.Kimoto.

"Sir, may I ask you some questions?"

"Of course Miss-?"

"Akemi Lopez."

"Okay miss Akemi.. So what's your question?"

Nakakailang man siyang kausapin, intimidating kasi ang titig niya sa akin. Kanina ko pa ito napapansin. Kung hindi lang importante ang itatanong ko eh..

"Who is Mr.Gonzales? "

"Ow.. He is one of my client. Nagpapagawa siya ng design sa amin for one year now.."

"Pero base sa mga sinabi n'yo kanina kay Mrs. Jimenes, ayaw niyong nakipag usap sa kanya. At ayaw n'yo tanggapin ang offer niya.."


Nakita ko naman sa peripheral view ko na himinto silang lima sa ginagawa nila at nakinig sa pinaguusapan namin.

"Yes, that's true. Ayokong tanggapin ang offer niya sa akin. Nagpapagawa siya ng designs para sa susunod nilang launching next month, sa theme na gagamitin nila included the decorations sa main event. Pero maliit lang ang halaga na inooffer niya sa akin. Kung tatanggapin ko iyon, malulugi ako dahil bukod sa kalahati lang ang halaga ng ibabayad niya sa amin, abonado pa ako dahil mamahaling material ang gusto niyang gamitin ko. "

"Yung designs na nawawala sa inyo, you mean isa iyon sa mga client nyo.. At babayaran po ba iyon sa tamang halaga?"

"Exactly! Kaya pinipilit ako ng Gonzales na iyan na gawin ang designs na gusto niyang ipagawa sa akin dahil alam niyang dito din nagpagawa ang kakumpetensya niya."

AKEMI-TANTEI HIGH Where stories live. Discover now