"What?!"Tanong ko sa kanila habang nakataas yung dalawa kong kamay with matching pa-confused looks pa. Paano ba naman kasi, lahat sila nakatingin sa akin pagkalabas ko ng pintuan.
"I knew it!"
Bigla namang sigaw ni Akane.
"Kaya familiar yung mukha niya, dahil magkahawig sila ni Juno! That's why I said earlier that he reminds me of someone!"
"Ano nang gagawin natin ngayon?"
"Ano pa ba smelly boy, edi sasabihin natin sa mga Teachers natin ang tungkol dito!"
"Eh paano 'tong si Jakhi dito? Iiwanan natin siya?"
"Kagaya nga po ng sinabi ni Akemi Nee-san, mas safe po siya dito dahil may mga traps dito para sa mga Shinigami.."
"That's right. Pero dahil hindi pa tayo pwedeng bumalik sa campus, tatawagan lang natin sila. Kailangan nilang malaman ang tungkol kay Juno emmediately."
"Pero ang astig pala ng sixth sense ng Juno na 'yon noh.. Imagine, kaya niyang makita yung past mo by just simply touching you.. Eh ano naman yung sixth sense ni Jakhi?"
"Oo nga noh, minsan smelly boy may pakinabang ka din eh."
"Oo naman Akane, hindi kagaya mo."
"Anong sabi mooo?!!"
"Tama na 'yan, let's contact our Teachers."
Ngayon ko lang narinig na nagsalita si Hiro simula kanina.
Ano nanaman kayang tinatakbo ng isip nito..Sumunod na kami sa kaniya.
Naghintay pa kami ng about thirty minutes bago dumating si Sir Hayate. Hindi niya kasama ang dalawang teachers na si Sir Hiroshi at Ms. Reina dahil sila naman ang kakausap kay Juno. Since nandito na siya at nasabi na namin ang lahat sa kanya,pinauwi niya na kami. Madilim na din ng lumabas kami ng agency, and seriously speaking, alam kong lahat kami ay gutom na.
Kaya naman napagpasyahan na namin na kumain nalang sa labas.
Pumunta kami sa isang parang canteen, at dahil kailangan naming ibudget ang allowance namin, kaya dito nalang namin naisip kumain.
Infairness naman, masarap din ang mga pagkain dito. Actually, madaming naorder ang mga boys.Nang matapos kaming kumain ay umuwi na kami sakay ni Miyu.
Dahil priority ang mission namin, magiistay din si Miyu kasama namin.
Pagkapasok namin sa bahay ay kanya-kanya na kami ng punta sa mga kwarto. Nagpaalam lang kami sa isa't-isa, well, maliban sa amin ni Hiro.
Medyo nagtataka din ako dahil kahit na alam nilang magkasama kami ni Hiro sa kwarto ay wala pa din akong naririnig sa kanila, which is very unusual, dahil yung normal na gesture nila, malamang nangaasar na sila ngayon.
Isinantabi ko muna ang isiping iyon at dumiretcho na ako sa cr nitong kwarto. Nasa baba pa si Hiro.
Nasasanay na din ako na sa cr nagbibihis. Kinuha ko na ang mga gamit ko sa una kong kwarto.
Kaysa naman mahirapan pa akong pabalik-balik kapag may kukunin ako. Malaki naman ang closet dito sa kwarto ni Hiro kaya kasya ang mga gamit namin. Sa bandang left side ang mga gamit ko at sa right side naman ang sa kanya.Paglabas ko ng cr ay nakaupo na siya sa kama. May binabasa siyang libro.
Tahimik naman akong pumunta sa tabi niya para humiga. Pasimple ko ding tinignan kung ano ang binabasa niya.
The criminal thoughts
YOU ARE READING
AKEMI-TANTEI HIGH
FanfictionThe continuation of Akemi's journey as being the daughter of Rielle Miyamoto and Aaron Lopez on Tantei high, with her Atama family and the missions.