Chapter Twenty Nine

3.9K 132 0
                                    

We finally arrived.

"Wow.. As in tayo lang talaga ang magi-stay dito?"

"Ano pa ba sa tingin mo Akane hah?! May nakikita ka pa bang iba nating kasama? Duhh..!"

"Ikaw kahit kailan panira ka talaga ng moment eh no, palibhasa boring yang life mo eh, kaya pati ako dinadamay mo!"

"Wow ha, hiyang hiya naman ako sa boring ang life, if I know, wala ka pang naging boyfriend since birth! Hahahaha!"

"At ikaw? Bakit nagkagirlfriend ka na ba eversince?"

"Oo naman noh! Hindi kagaya mo."

"Oww.. How pathetic that girl was. Pinatulan ka niya? Hahahaha!"

"Bakit? Itong mukhang 'to, nobody can resist this face."

At kumindat pa siya kay Akane. Kaya bago pa sila magkapikunan, niyaya na namin silang pumasok sa bahay na titirahan namin for one year. They said that this house is owned by Ma'am Michiko. At matagal na niyang hindi nagagamit ito. May isa pa siyang bahay na inuuwian dito sa humdrum community at doon siya mas madalas na nagi-stay pag may mission siya.


May anim na kwarto ang bahay na ito. Kaya naman talagang nakakamangha dahil kami lang ang titira dito. And take note, anim na kwarto, which means kanya-kanya kami ng kwarto. Parang ginawa ang bahay na ito para sa amin.

Pinili ko ang nasa pinakadulong kwarto. Nagpaalam naman ako sa kanilang aayusin ko muna ang mga gamit ko at malamang ay ganun din sila. Hindi ko na nakita kung saang kwarto ang pinili nina Riye at Akane.

Pagpasok ko sa kwarto ay malinis din ito.

'We rented a person to clean the house so that it'll be convenient upon your arrival. Enjoy your stay there!'

Iyon ang sinabi ni Ms.Reina sa amin the day before we leave. Kaya malinis na ng dumating kami.

Mukhang bagong palit din ang bedsheets and pillow covers.

Isa-isa ko ng inilagay ang mga gamit ko sa closet.

Nang matapos ako ay humiga muna ako. Gusto ko munang ipahinga ang mga mata ko. Mahaba din ang binyahe namin para makarating dito.





















Hindi ko namalayan na nakaidlip pala ako.


Pagtingin ko sa orasan ay 7:00 pm na.

Napabalikwas pa ako ng bangon.

Nakakainis naman sila! Hindi man lang nila ako ginising!

Nang lumabas ako ng kwarto ay tahimik ang paligid at madilim sa buong bahay.


I enhansed my eyesight then, dahil hindi ko naman nalibot ang kabuuan ng bahay na ito kanina ay hindi ko din alam kung nasaan ang switch.

'Nasaan ba sila, bakit parang wala akong kasama..'

At finally nakita ko na din ang main switch!

Pagkabukas na pagkabukas ko nito ay nagliwanag ang paligid.

Una kong pinuntahan ang nasa unahang kwarto.

AKEMI-TANTEI HIGH Where stories live. Discover now