Ang bilis lumipas ng panahon..
Parang kailan lang...Pero ngayon...
Magdadalawang taon na ang lilipas..
At malapit na kaming grumaduate..
Pero syempre kahit na grumaduate pa kami ay patuloy pa rin naman kaming mananatili dito sa Tantei high. May mga tungkulin kami na dapat gampanan..
Madami na din ang naimproved sa amin, lalo na sa mga skills namin bilang erytian.
Si Riye ay isa na sa mga magaling na shinigami tracker. The Querino clan have noticed her abilities kung kaya kagaya ni Ms. Reina, isa na din siya sa mga nabibilang sa magagaling sa clan nila. Pero dahil sa sixth sense niya, mananatili siya dito sa Tantei high upang pagaralan ang mga ginagawa sa medical department kagaya ni Reiji. Si Dra. Yuuki ang nagtuturo sa kanila.
Si Akane naman ay mas pinagtitibay pa ang skills pagdating sa martial arts dahil siya ang magtuturo sa mga susunod na mapapabilang sa Atama family.
Si Ken naman ay history ang hahawakan kaya dun siya nakafocus ngayon. Nagtawanan pa nga kami ng yun ang iniassigned sa kanya dahil ayaw niya talaga ang history. During our time way back nung nagaaral pa kami ng history ay inaantok siya.. Pero dahil sa umpisa lang naman ng school year mapagaaralan ang history of tribes, yun ay pansamantala niya lang munang hahawakan. Pag natapos na iyon ay siya naman ang itetrain ni Sir Hayate para sa new weapon improvement.
Si Hiro naman ay nakaassigned din dito sa Tantei high. Siya ang hahawak sa intel department at si Mama(Noemi) ang magtuturo sa kanya kung paano ihandle ito.
Sila Sir Hiroshi ay patuloy na pinagaaralan ang hallway upang maging maayos na ang daan na magdudugtong sa base ng Shinigami at papuntang Tantei high.
We are really pursuing the alliance..
Naalala ko tuloy sila Krystal at Nel..
Kumusta na kaya ang mga tribe nila..
Masyado kasing malayo ang mga huntress at Custos sa amin kaya di agad makapunta sa kanila..
Mukhang busy din sila. Si Darwin ay ganun din.
At ehto nga ako, si Papa ang mag tetrain sa akin.
Pero hindi ko alam kung bakit hindi pa din nagsisimula ang training na sinasabi sa akin ni Papa.. Palagi din siyang wala..
Hindi ko pa nga siya nakakausap simula nung bumalik kami dito sa Tantei high mula sa isang mission sa mundo ng mga humdrum.
The last time I saw him, para siyang stress.. Pero hindi ko naman siya makausap dahil base kila Ms. Reina ay palagi siyang pinapatawag ng mga matataas..
Hindi ko nalang pinagtutuunan ng pansin dahil baka seryosong usapan nila iyon..
Wala kaming klase ngayon kaya napagplanuhan namin na pumunta sa forest at maghanap ng pwesto para tambayan.
YOU ARE READING
AKEMI-TANTEI HIGH
FanfictionThe continuation of Akemi's journey as being the daughter of Rielle Miyamoto and Aaron Lopez on Tantei high, with her Atama family and the missions.