Chapter Fifty

3.7K 91 42
                                    

"Ang ganda naman ng view!"

Masiglang sabi ni Ken habang nililibot ng tingin niya ang kabuuan ng resort.

"Puro kamanyakan nanaman yang nasa kukote mo!"

"Teka-teka! Ano nanaman bang pinagsasasabi mo Akane? Naaappreciate ko lang ang kagandahan ng lugar na ito.."

"Kagandahan ng lugar? o Kagandahan ng mga nakaswim suit dito?!"

"Teka nga, ganyan ba ang tingin mo sa akin? Ehtong gwapo kong ito?"

Then Ken acted as if he was hurt.

Then we all burst into laugh.

"Eh bakit ba kasi affected ka Akane kung tumingin si Ken sa mga chix dito?"

"Hoy Reiji, excuse me! Hindi ako affected, at wala akong pakialam kung magkandaduling duling yan  katitingin sa mga babae dito!"

"Weh?Eh bakit parang nagseselos ka yata..?"

At bago pa ako humagalpak ng tawa sa harap ni Akane ay nagpunta na ako sa cottage namin.

Kahit na malamig ang panahon ay nagkasundo kaming lahat na subukan ito. Since this is the first time na nasa labas kami ng bansa, napagkasunduan naming kahit na nasa mission kami ay ienjoy din namin ang pagkakataon na ito..

"Nee-chan.. Magtingin tayo ng swim suit.. Biglaan naman kasi 'tong outing natin..Hindi tuloy tayo nakapagprepare.."

"Ou nga eh.. "

Pero nagulat kami ng marinig namin si Akane na tumatawa. Kasunod lang pala siya ni Riye.

"Eh kahit naman magset tayo ng date, wala naman talaga tayong dalang swim suit eh!"

Napakamot nalang ako ng ulo..

Sabagay..

May point sya..

"Ano pang hinihintay n'yo? Tara na! Excited na ako!"

"Ou nga Nee-chan! Let's go!"




***

"Akemi! Try this one, bagay sayo 'toh!"

Panglimang swimsuit na ito na pinasukat sa akin ni Akane.

Kahit ano naman okay lang sa akin, kaso kapag suot ko na, may bago nanaman silang ipapasukat sa akin. Haiiist.

Then something caught my eyes..

Habang abala sina Akane sa pagpili, nilapitan ko naman ang swimsuit na nakita ko..

This is a pair of emerald green swimsuit. It is just a simple design but it just caught my attention. I think I love this color..

"Wow Akemi! Isukat mo na 'yan! I think final na yan sa mga napili ko!"

Teka.. Parang ako yata ang pumili nito ahh.. 😥

Sabay sabay na kaming nagpalit ng swimsuit pagkatapos naming bayaran ito.

***

"Akemi, ano pa bang hinihintay mo d'yan?! Tara na!"

"O-oo na.."

"Uh! And'yan na pala kayo. Saan ba kayo nanggaling? Kanina pa namin kayo hinihintay eh."

"Nii-chan, naghanap lang kami ng swimsuit."

"Ganun ba.. Tara, kumain muna tayo, kanina pa kami nagugutom. Hinihintay lang talaga namin kayo.. "

"Akemi, here is your food.. "

At lahat kami ay napatingin kay Darwin..

'Wow hah.. Ang sweet !'

AKEMI-TANTEI HIGH Where stories live. Discover now