Nandito kami ngayon sa isang forest..
Niyaya kasi ako ng tatlo na pumunta dito para kung sakali daw na mapadpad ako dito, makakapunta daw ako agad sa base nila at para mafamiliarize ko yung place. Naisip ko na kung sabagay, mas maganda nga na alam ko din ang pasikot sikot kaya sumama na ako.
Malalaki ang mga puno dito. At ang dami pang bunga. Feeling ko kung titira ako sa lugar na to, mabubuhay na ako. Madami silang kinuwento sa akin na mga naencounter nila nung mga bata pa sila. Nakaka-amaze kasi simula bata sila nagagamit na nila ang sixth sense nila, samantalang ako recently ko lang nalaman ang buong pagkatao ko. Pero masaya pa din ako dahil naranasan kong maging normal na tao. Maging isang humdrum.
May dalawang oras na din kaming nagkukwentuhan habang naglalakad kaya napagpasyahan namin na bumalik na sa base. Patuloy kaming nagkwentuhan at dahil yung mga kalokohan nila nung mga bata pa sila ang topic namin, di ko mapigilan ang tumawa. Magkababata silang tatlo. At kaya kasabay pa din namin si Riyuu sa training kahit na elite na sya ni Darwin, ay dahil sya pala ay kasing edad lang nila Take at Seira. Mas bata sila sa akin ng isang taon. Parang si Riye at Reiji. Sobrang at ease sila sa isa't isa. Bigla ko tuloy namiss sila Akane,Riye,Reiji, at Hiro..😔
"Don't worry, I know they missed you too.." Sabi ni Riyuu sa isip ko.
"Thankyou.."
Sagot ko naman sa kanya..Patuloy lang kaming naglalakad ng maramdaman namin ang pagbukas ng black dimension.
Nagsummon na ako ng bow and arrow ko, nakiramdam naman ang tatlo.
"Shit! Masyado silang malakas! hindi ko macontrol ang black dimension! "
Riyuu said using his inner voice. Alam kong tatlo kami na nakakarinig sa kanya ngayon."I saw them! Tatlo sila, they are heading toward our direction!" Nakita ko kaagad sila, medyo malayo pa sila sa amin pero hindi namin sila matatakasan, at isa pa, baka umabot sila sa base at may mangyari pang hindi maganda. Hindi namin hahayaan na mangyari yon.
"Nasaan sila? bakit wala akong makita? pero naramdaman ko ang black dimension." -Take
"How did you saw them? Bakit hindi namin sila makita?"- Seira
"That is my sixth sense. Enhansed eye sight"
Saka ko hinanda ang bow and arrow ko, at nagpakawala ng isa sa direksyon nila. Sakto namang tumama iyon sa balikat ng isang kasama nila, they are wearing a black cape. Pero sa itsura nila ay mukhang kasama sila sa mga shinigami rebels na hindi pa nakikita hanggang ngayon.
Nakita ko naman na napahinto sila saka tumingin sa direksyon ko. Hindi ako sigurado kung nakikita nila ako pero malamang ay inaanalize nila kung saan galing ang arrow. Tatlo sila at yung nasa gitna ang tinamaan ko.
Saka ako nagpakawala ulit ng isa pa, this time ay yung nasa kaliwa ang target ko, pero nakaiwas sya.
I guess alam na nila kung nasaan kami, dahil bigla sila ulit sumugod sa direksyon namin and this time may hawak na silang mga sword.Nagulat naman ako ng biglang tumalon si Take at nakaakyat agad sya sa puno, ang bilis ng kilos niya , teka..
Bakit bigla-bigla syang mawawala at biglang lilitaw ulit?"That is his' sixth sense. He was able to be invisible for a span of 30 seconds."- Riyuu
Naalala ko naman yung huling training namin about Red stone. Saka ko napagtanto na kaya hindi ko sya napansin o nakita man lang ay dahil ginamit niya ang sixth sense niya. Ang cool talaga ng mga sixth sense nila!
Nagfocus ako ulit sa mga paparating na shinigami.
Masyado kong tinuon ang pansin ko kay Take kaya di ko nabantayan ang kilos ng mga kalaban.
Nagulat naman ako ng may maramdaman akong mainit sa likuran ko at ng lingunin ko ito ay laking gulat ko sa nakita ko. . .
YOU ARE READING
AKEMI-TANTEI HIGH
FanfictionThe continuation of Akemi's journey as being the daughter of Rielle Miyamoto and Aaron Lopez on Tantei high, with her Atama family and the missions.