Chapter Fourty Nine

3K 81 2
                                    

We landed on Europe for only 30 minutes.
Syempre, ginawan ni Sir Hiroshi ng paraan upang makarating kami in just a snap of time.

Dahil alam na namin kung saan ang location ng titirahan namin, madali namin itong natunton.

And to our surprise, bukas na ang mga pintuan ng bahay ng makarating kami.

'Guys! Someone is here! I can sense he or she is an Erytian!'-Reiji

'Me too!'-Akane

Saka ko in-enhanse ang eye sight ko.

At bingo!

"It's him.." Malumanay ko namang sabi..

"The who?" They asked in unison.

"Si Darwin.. Nandito na sya.."

"OMG! Buti naman! Akala ko on our first day mapapalaban tayo ee!"

"Oo nga!Tara pumasok na tayo.."

***

"Wow.. Ang bango naman nun.. Nakakagutom..."-Riye

"Si Darwin ba nagluluto nun?"-Ken

"Malamang!Sya lang naman ang nandito eh,"-Akane

"Marunong din pala sya magluto noh.. "-Riye

"Ang swerte nga ng magiging future wife niya if ever eh.."-Akane

I kept myself quiet as I listened to their conversation..

But deep inside I agreed on what they've said.

Darwin was such a great guy.

"Nandiyan na pala kayo.. Tamang tama.. Luto na 'tong niluluto ko.. Sabay sabay na tayong kumain.."
'Bungad naman ni Darwin sa amin habang nakangiti.

"Aba! Tamang tama nga 'yan pare!"-Ken

"Nagabala ka pa p're, pero salamat ahh!"-Reiji

"Nii-san, tutulungan ka na namin.."-Riye

"Ou nga, kami nang bahala sa pag peprepare.. "

***

"Wow! The best talaga 'tong luto mo Darwin!"-Akane

"Oo nga pare!"Ken

"Para kang si Akemi!"-Reiji

At saka naman tumingin si Darwin sa akin at ngumiti..

Noong nabubuhay pa kami bilang Humdrum, napaka bihira niyang ngumiti.. At hindi man lang nagrereflect sa mga mata niya ang ngiting iyon..

Pero simula nang malaman namin ang tungkol sa pagkatao namin bilang Erytian, saka ko pa lamang nakita ang totoong ngiti sa mukha niya..

Marahil gaya ko, ang buhay na ito ang tunay na kaligayahan niya..

"Akemi, totoo bang magaling ka ding magluto?"

Saka naman naramdaman ko ang pamumula ng mukha ko! Honestly speaking.. Si Mama(Noemi) at ang Atama family lang talaga ang ipinagluluto ko..
Alam kong marunong ako, pero parang hindi pa din ako kumbinsido kapag pinupuri nila ang luto ko..

'You're blushing..'

Nagulat pa ako nang marinig ang boses ni Darwin sa isip ko..

"Pasensya na, pero mauuna na ako sa kwarto.. Aayusin ko pa kasi yung mga gamit ko.."

Parang ngayon ko lang narinig na nagsalita si Hiro mula nung dumating kami..

Sinundan ko naman siya ng tingin matapos niyang tumayo at saka umakyat sa taas..

AKEMI-TANTEI HIGH Where stories live. Discover now