Nandito kami ngayon sa agency. Pinatawag kami ni Sir Hayate at Ma'am Reina. May case daw kami na gagawin ngayon. Si Sir Hiroshi daw ay abala sa iniinbento niyang bagong weapon.
"Just relax there," sabay turo ni ma'am Reina sa couch malapit samin, "Padating na ang client.. pakinggan nyong mabuti ang sasabihin niya"
Nag-nod naman kaming lahat.
Tahimik kami,siguro excited kaming lahat dahil ngayon nalang kami ulit nabigyan ng case.
Maya maya lang ay bumukas ang pinto at bumungad sa amin ang isang may edad na babae. Lumapit ito kina Sir Hayate.
"Good morning. Ako ang kumontak sa inyo kanina, I am Margareth Fuebles. " Sabi ng ginang."Go on ma'am, ano po bang maitutulong namin sa inyo?",sabi naman ni Sir Hayate sa babae. At nagsimula na itong umiyak. Mataman lang kaming nakinig sa kanya.
"Patay na ang anak ko!! Si Angela Fuebles, 21 years old siya. kakagraduate niya lang at maghahanap palang dapat siya ng mapapasukan ngayon susunod na buwan. Pagpasok ko kanina sa kwarto niya ay nakahandusay na sya sa kwarto. Wala na syang buhay!!!" saka ito humagulgol..
"Ano po ang kinamatay ng anak ninyo Mrs.Fuebles? Tanong ni Ken sa ginang.
" Hindi pa lumalabas ang result ng autopsy.. Wala akong nakitang kahit na anong bahid ng dugo sa kanya, ang akala ko nung una ay nawalan lang talaga sya ng malay ngunit ng lapitan ko sya ay wala na talaga..." at patuloy itong humagulgol.
"Maaari nyo po ba kaming dalhin sa bahay ninyo Mrs. Fuebles kung saan nyo nakitang wala ng buhay si Angela?"
tanong ko naman dito.
"Oo.. Tulungan nyo akong malaman kung ano ang kinamatay niya..
"Hindi ba dapat ay tanungin muna natin sya sa details tungkol sa anak niya?" sabi ni Akane sa isip namin
"Yes Akane, that's right, but I want her to answer our questions when we arrived to their house." sagot ko naman at alam kong narinig kami ng apat dahil kasabay ni Akane, pare pareho silang nag nod. Sumakay na kami kay miyu.
"Good morning masters " ,bati ni miyu samin. " Goodmorning miyu, take us to Mrs.Fuebles' house." sabi naman ni Hiro.
"Yes master Hiro" sagot naman ni miyu.Nang makarating kami ay madami pang pulis ang nasa loob at labas ng bahay nila. Nakakunot ang noo ng mga ito ng makita nila kami. Agad namang pinakita ni Reiji ang fake FBI Id namin sa mga ito, at binigyan naman nila kami ng way para makapasok kami sa bahay.
Kanya kanya kami ng observation sa loob ng bahay. Habang nagkukwento naman si Mrs.Fuebles sa mga nangyari nung nakaraan bago pa niya maabutan ang anak niya na walang buhay. Kaya daw siya lumapit sa amin dahil malakas ang kutob niya na may foul play sa pagkamatay ng anak niya dahil ilang gabi nadaw na may naririnig siyang umaaligid sa bahay nila, pero dahil kampante naman daw sya sa securities ng mga lock ng bahay nila ay hindi niya na ito pinansin.
Nang makarating kami sa kwarto ni Angela, sinuot na namin ang kanya kanya naming gloves. Naginspect na kami. Pupulutin ko sana ang litrato ni Angela ng may mahagip ang mata ko sa bintana. Lumapit ako dito at tama nga ang nakita ko,may basag na part sa pinakadulo nito malapit sa lock ng bintana. Nakita ko pa ang maliliit na bubog na galing sa bintana. Lumapit naman sa akin si Ken at sa tingin ko ay may napansin din siya.
Pinalabas muna namin si Mrs. Fuebles para maumpisahan na namin ang pagiimbestiga. Pinakita ko sa kanila ang basag na portion ng bintana pati ang mga bubog na nakita ko.
"Akemi, it seems that those fragments are very tiny because we cannot see it through our naked eye" sabi ni Hiro, sumangayon naman ang apat.
"Ang astig talaga ng Sixth sense mo Akemi ", sabi naman ni Reiji." I can also smell a chemical. It has a component of hydrochloride with a mixture of mercury. Naaamoy ko ito dito mismo sa sahig kung saan nakita ang bangkay ni Ms.Angela." sabay turo ni Ken sa sahig na may nakasketch na katawan ng biktima. Yes, biktima. Dahil murder case ito.
Sila Akane at Riye naman ay lumabas para maghanap ng ebidensya.
Kinausap naman namin ulit si Mrs. Fuebles para tanungin sya. "Akane, listen carefully to her statement" sabi ko naman kay Akane at medyo nilakasan ko ang inner voice ko dahil nasa labas sila ni Riye. Atleast updated padin sila if ever. "Yes Akemi." Sagot naman ni Akane. Napangiti naman ako dahil kahit na medyo malayo sya ay nakakapagusap parin kami.
"Mrs. Fuebles, nabanggit nyo na kakagraduate lang ng anak ninyo at maghahanap palang dapat ng mapapasukan sa susunod na buwan, maaari po ba naming malaman kung ano ang kursong natapos ni Ms.Angela? " tanong ni Ken sa kanya.
YOU ARE READING
AKEMI-TANTEI HIGH
FanfictionThe continuation of Akemi's journey as being the daughter of Rielle Miyamoto and Aaron Lopez on Tantei high, with her Atama family and the missions.