Chapter Thirty Three

3.7K 111 1
                                    



I tried to read his mind this time once again..

Kahit paano ay may nagbago sa tinatakbo ng isip niya. I can see that he doesn't like their way of leading their tribe. But there is something that still bothers him.. or rather someone that bothers him..

"You want to tell me something, aren't you?"

This time ay tumingin na siya sa akin.

"Go ahead, tell me. Let's see if I can help."

At first, he was hesitating if he will tell me about it, but then he managed to open his mind freely so that I can fully read his thoughts.

Pero nang mabasa ko kung anong gumugulo sa kanya, saka lang nag-sink in sa utak ko kung paano nangyari lahat ng ito.

He knows Juno. I was about to ask him kung paano niya ito nakilala , pero inunahan niya akong magsalita.

"I was once sent into a mission to kill some Senshins. Isa si Juno sa mga dapat na papatayin ko. Nataon na siya din ang unang naencounter ko. Through his acts, I knew that he was not that strong enough when it comes on fight. Pero nagulat ako ng bigla niya akong hawakan sa braso at pagkatapos nun ay niyakap niya ako. Saka niya sinabi sa akin kung ano ang sixth sense niya. He can see what happened on your past by simply touching you."

He said he was from Hada Family..
The family with a sixth sense which involves skin or sense of touch..

Napakunot naman ang noo ko sa mga sinasabi niya. Pero hindi pa din ako nagsalita, bagkus ay hinintay ko ang mga sasabihin niya pa.

"Just like what I've said, he saw my past. And he was there."

"What do you mean he was there?"

"We are brothers."

Mas lalo pang kumunot ang noo ko sa mga naririnig ko mula sa kanya.

"Paano nangyari 'yon Jakhi, si Juno ay isang Senshin, while you are a Shinigami."

"Hindi ako Shinigami. Isa akong Senshin. Dahil ang sixth sense ng pamilya namin ay kakaiba sa ordinaryong galing sa Hada family, nagkainteres si Saeko para pagaralan kami. Kinuha nila ako sa pamilya ko. Ang buong pagkakaalam nila Juno at ng mga magulang namin ay patay na ako."

"But how did you survived? Kung gusto ka nilang pagaralan, you are supposed to be dead now."

"Ang balak gawin sa akin ni Saeko noon ay kuhanin ang mga mata ko. Gusto niyang ilipat sa isang Shinigami ang mga mata ko. Pero dahil masyado pa akong bata noon at hindi pa niya makita kung ano ang buong kakayahan ko, pinanatili niya akong buhay. Nang tumagal ay nakita niya siguro na mapapakinabangan ako, kaya kumuha siya ng dugo na galing sa isang Shinigami na kasing edad ko. On that way, hindi ko na mararamdaman ang burning sensation kapag nasa black dimension ako."

Saka ko siya pinagmasdan ng mabuti.. May mga peklat na nasa braso niya..

"Halos masunog ang buong balat ko ng sapilitan nila akong dalhin sa base nila noon. Hindi ko din akalain na mabubuhay pa ako pagkatapos nun."

"Kung may dugo ng Shinigami na dumadaloy sayo, that means kaya mong gamitin ang black dimension?"

"No. Hindi ko kayang gamitin ang black dimension. The only way para makarating ako sa humdrum community ay kung may kasama akong Shinigami. The only advantage of that blood is that I am immune now to that dimension. I can no longer feel that burning sensation."

"Pero kung alam na ni Juno na magkapatid kayo, bakit hinayaan ka pa din niyang makabalik sa base ng mga Shinigami?"

"Dahil maghihinala si Saeko. Alam niya kung ano ang buong pagkatao ko. Madami akong napatunayan sa kanya sa kakayahan ko para lang hindi niya ako patayin. Kung hindi ako bumalik that time sa base, sa tingin mo ba buhay pa ako at si Juno ngayon?"

May point naman siya.. Pero paano nila aayusin ito..

Kaya ba nakipagkilala si Juno sa amin bago kami umalis sa campus..

Geez! Iniisip pa nila Akane na my gusto siya sa akin kaya siya ganun makatitig! Siguro that time, gusto niya akong kausapin about dito..

Pero bakit ako? ...

"I hope that your tribe will keep Juno safe. That's why I told you all about us, because I trust you. Please, take care of my brother.."

Saka siya tumingin sa mga mata ko at puno ng pagaalala para kay Juno ang nais ipahiwatig ng mga mata niya..

"Don't worry. We will keep both of you safe."

"Thankyou Akemi.."

Bigla naman akong napaisip..

"Did I tell you my name?"

"Nope. I just knew it. Lagi kang kinukwento ni Juno sa akin kapag nakakapagkita kami."

So ibig sabihin, kilala niya na pala talaga ako..

"Take care of yourself too.. Gusto kang makuha ni Saeko. Despite of her age, I can't believe she is still strong."

"By the way, paano kayo nakakapagkita ni Juno kung hindi mo naman kayang gamitin ang black dimension?"

"Saeko put me into the hierarchy of the assassins.. They are the one who always do the most task and to raise funds. Since lagi silang nasa mission, nakakasama ako sa kanila. On that way, pumupunta ako sa forest para doon kami magkita."

Marahan naman akong napatango sa kanya..

Kailangan na naming maireport kila Ms. Reina ang tungkol dito..

Alam kong narinig nila Akane ang usapan namin.

Tumayo na ako at nagpaalam muna kay Jakhi. Binilinan ko din siya na wag na munang lumabas dahil dito sa agency ay hindi maaring makapasok ang mga Shinigami ng basta- basta. Hindi din sila maaaring gumamit ng black dimension dahil may mga traps dito para doon. Mas ligtas siya sa lugar na ito.

Pagkalabas ko naman ng interrogation room, lahat sila ay nakatingin sa akin..









***

AKEMI-TANTEI HIGH Where stories live. Discover now