Chapter Twenty Seven

4K 154 2
                                    

Nang matapos ibigay ni Sir Hiroshi ang iba pang device ay lumabas na din kami sa office niya.
Habang naglalakad kami ay pinagpapractisan nila Akane ang earpiece. Sabi naman ni Sir Hiroshi, kung gusto naming hindi muna maactivate ay pindutin lang namin yung jade stone sa gitna para daw sa privacy namin. Ganun naman ang  ginawa ko. Sa aming anim ay kami lang ni Hiro ang tahimik. Busy yung apat sa mga bagong device na pinadala sa amin ni Sir Hiroshi. Sobrang makakatulong sa amin ang mga ito para sa mission namin.
Kagaya nalang nung relo na binigay niya sa amin. Kapag may kalaban sa paligid ay kusang magiging mapa ang nakalagay sa relo at madedetect namin kung nasaan ang kalaban. Binigyan niya din kami ng cellphone. But this is not actually for communication. Once na may maencounter kaming suspect, automatic naman na magbli-blink ito at kusa naming madedetect kung ang kalaban ba ay Shinigami, Huntress, or Custos. Since kaming mga erytian ay hindi pwedeng magpakita ng tunay na kulay ng mga mata namin sa mga humdrums, ang ibang tribe ay nag-come up na din sa sariling paraan nila para maitago ang totoong identity nila kagaya naming mga Senshin. Kaya talagang kailangan namin ito. At dahil capable naman kami para magsummon ng weapon ay magiging mas madali ito para sa amin.








'At the hill, 10 o'clock'
Nagulat naman ako ng marinig ko ang boses ni Hiro sa isip ko.

'Bakit?'

'I'll wait you there.'

Saka siya dumiretcho sa dorm nila. Nagpaalam na din sa amin sila Ken. Nang pumasok kami sa dorm namin  ay kanya-kanya na din kami ng ginawa. Si Akane ay dumiretcho sa cr para maglinis ng katawan. Si Riye naman ay chineck ulit ang mga dadalhin. Nilagay ko na din sa mga gamit ko ang mga device na gagamitin namin. Nakasuot lang sa akin ang earpiece since nakadeactivate naman ito.
Nagpaalam na ako kay Riye na matutulog na, pero ang totoo ay hindi ako mapanatag. Iniisip ko kung anong sasabihin ni Hiro sa akin. Matagal na bago niya ako niyaya ulit na pumunta sa hill.

Narinig kong lumabas na si Akane sa Cr.

"Uh, tulog na si Akemi?"

"Oo, Akane nee-san"

"Hay naku, baka mapanaginipan niya si Juno, hahahaha!"

"Ssshh, Akane nee-san baka magising sya.."
"Hayy naku, Pasalamat sya at nakatulog sya kaagad kundi, hindi ko talaga sya titigilan. Hahahah!"

Naku naman talaga!!! Gustong gusto kong sumagot sa mga sinasabi niya pero matinding pagpipigil sa sarili ko ang ginagawa ko dahil matatagalan bago sya makatulog kung makikipagkulitan pa ako sa kanila.
At mukhang effective naman dahil humiga na din sila. Si riye ay mukhang tulog na. Kahit nakatalikod ako sa kanila ay nakikita ko sila.

Syempre dahil sa sixth sense ko. Haha

At sa wakas! Tulog na din si Akane!

Dahan dahan akong tumayo at kinuha yung cloak ko.

Pigil pa ang hininga ko habang binubuksan ang pinto. 
Nakahinga lang ako ng maluwag ng makalabas ako na hindi nakagawa ng kahit anong ingay.


Sa likod ng Midori building ako dumaan para walang makakita sa akin. Panigurado ay gising pa ang mga nasa intelligence department.

Nang makarating ako sa forest ay tinungo ko na ang papunta sa hill. Nang tignan ko ang oras ay 09:55pm na. Mayroon na lang akong 5 minutes para makarating sa tamang oras. Siguradong nandoon na sya.

AKEMI-TANTEI HIGH Where stories live. Discover now