Chapter Twenty Two

5.2K 132 0
                                    

To Readers:
Sorry po kung sobrang late yung update.. Nagkasakit po kasi ako.. Bawi nalang po ako..
I hope you'll enjoy this chapter..

😊😊😘













Nandito kami ngayon sa Agency.
Maaga kaming pinatawag ni Sir Hayate dahil may mission daw sila ngayon nila Ma'am Reina at kailangan may maghandle sa Teitan Agency habang wala sila.

At syempre kami iyon.

Medyo inaantok pa kaming lahat dahil 5:30 am kami pinapunta dito.

Sa katunayan ay natutulog si Ken sa sulok at ng mahagip ng paningin ni Akane kung nasaan ito ay ginulo niya si Ken upang magising.

And as usual, bangayan nanaman ito.


Si Reiji at Riye naman ay nagkukwentuhan. Di ko na inalam kung ano yung pinaguusapan nila dahil malamang tungkol iyon sa pinagaaralan nila.

Ako ay nagbabasa ng mga magazine.

Si Hiro naman ay may binabasang libro. Pasimple kong tinignan kung ano yung binabasa niya.

The Criminal Thoughts

Mukhang interesting yung binabasa niya.

Itinuon ko na ulit ang atensyon ko sa binabasa kong magazine.

Medyo inaantok na ako nang biglang naging kulay itim ang kwintas na suot ko, at tumingin agad ako sa kanila na ganun din naging reaksyon. Awtomatiko namang tumayo kaming lahat at patakbong lumabas ng agency.
Nagbilin naman ako sa mga police officer na maiiwan doon na mayroong killing intent na nagaganap. Tumango naman sila sa akin at magpeprepare na din sila para sundan kami.  Tuluyan na akong lumabas ng agency.

Sa tantya ko ay nasa 137 meters ang layo ng lokasyon ng nangyayaring krimen kaya naman naghanap ako ng lugar na walang tao. At nang may makita ako agad ko iyong pinuntahan at pasimple kong binuksan ang black dimension. Nagnavigate na ako papunta sa lugar na iyon. Sana ay nandoon na din sila Hiro. Ginamit nila si Miyu kanina. Sumenyas lang ako kay Ken na mauna na sila para hindi na nila ako hintayin.





At nang maramdaman ko ang presense kung saan may nangyayaring krimen ay binuksan ko ulit ang black dimension.

Buti nalang ay sa likuran nila ako lumabas. Kundi ay nakita na ako ng ilang humdrum na nandito.

Madaming tao ang nagtipon-tipon kaya naman nakisiksik ako sa kanila upang makita kung anong nangyari. Dahil nahihirapan akong makapasok at marami na din ang nakikiusyoso ay itinaas ko na ang fake FBI id ko.

Nang makita nila ito ay binigyan nila ako ng daan para makapasok.

At isang babae ang nakahandusay sa simento at naliligo na ito sa sarili niyang dugo.

Agad akong lumapit sa kanya. Pinulsuhan ko ito.
Good thing that her heart is still beating.

Pero hindi ko pa siya pwedeng galawin.

Maya-maya lang ay dumating na si Miyu.
Agad na bumaba si Riye at umalis din agad ulit si Miyu.

"Nee-chan, susundan nila ang suspect.. Nakita namin siyang tumakbo papunta sa bandang west side ng malaking building na iyon." Sabay turo niya dito.

Saka niya naman hinawakan ang biktima.

"She was not on a critical stage Nee-chan. She can survive. The killer wasn't able to hit her on vital point, I can manage to heal her.."

AKEMI-TANTEI HIGH Where stories live. Discover now