Dahil isa lang ang higaan sa kwarto niya ay magkatabi kaming natulog.
Actually, hindi ko na alam kung nakatulog nga ba ako.
This is the first time na may makakasama akong lalaki sa iisang kwarto. Pero dahil hindi naman na iba si Hiro, kahit papaano ay panatag naman ang loob ko. Medyo awkward nga lang talaga.Naramdaman ko siyang bumangon pero nanatili akong nakahiga. Nakatalikod ako sa kanya. Nang tignan ko ang oras ay 4:25 am pa lang kaya madilim pa sa labas.
Hindi ko na inalam kung ano ang ginawa niya. Natulog nalang ako ulit.
***
Nagising ako sa mga naririnig kong boses.
"Ikaw na kasi ang maghiwa niyan! Masakit nga yan sa mata eh!"
"Ikaw nga ayaw mo eh, tapos sa akin mo ipapagawa!"
"Kapag ako ang gumawa niyan wag na wag kang kakain ah!"
"Kakain ako sa ayaw at sa gusto mo!"
"Enough."
At huminto na ang pagtatalo nila.
Those were Akane and Ken. Parang alam ko na kung anong pinagtatalunan nila.
Tuluyan na akong bumangon. Hinanap ko ang cr sa kwarto na ito dahil tiyak na mayroon din ito kagaya ng nasa kwarto ko. And there you go!
Nagshower na ako.
Pagkalabas ko ay nagpeprepare pa din sila ng breakfast namin.
Time check:
It's 6:45 amGaano katagal na kaya silang nagtatalo kung sino ang maghihiwa ng sibuyas.
At hanggang ngayon ay wala pa ding gumagawa.
Nang dumako ang tingin ko sa kanila ay muntik na akong matawa dahil halos sabay-sabay pa silang umatras.
Do I looked like a monster?
Si Akane at Ken ang nagtatalo sa paghihiwa ng sibuyas. Si Riye naman ay naghihiwa ng papaya. Mukhang si Reiji ang nakatoka sa pagpapakulo ng chicken. At si Hiro..
May hawak siyang Cookbook.
Base sa mga ingredients nila, mukhang tinola ang lulutuin nila. Natouch ako kasi pinag-aaralan nila ang pagluluto, pero hindi ko na talaga mapigilan.
Tumawa na ako ng malakas!
They looked so funny!
Habang tumatawa ako ay kitang kita ko ang pagbabago ng reaksyon ng mga mukha nila. From a terrified expression turns to their confused looks, I just can't help but laugh!"Agh!"
I didn't see that coming.
"At anong nakakatawa Akemi, aber?"
Ni hindi ko namalayan na nakalapit na pala si Akane sa akin at bigla akong binatukan!
"Makabatok lang???"
At nang tignan ko sina Riye, Ken, Reiji, ay ganun din ang reaction ng mukha nila kay Akane, well, except Hiro. It's just his dead face.
YOU ARE READING
AKEMI-TANTEI HIGH
FanfictionThe continuation of Akemi's journey as being the daughter of Rielle Miyamoto and Aaron Lopez on Tantei high, with her Atama family and the missions.