Chapter Fourteen

5.5K 143 0
                                    


Nandito kami ngayon sa agency.




"Nakakainip naman.. wala pa ba?"-Ken

"Wag ka ngang atat d'yan! Ang epal mo talaga smelly boy!"-Akane

"Eh kanina pa tayo nandito wala pa din yung client eh,sabi maaga daw pupunta kaya maaga tayo pinapunta dito.."

"Shut up smelly boy!"

Habang ako naman ay binabasa ang record ng mga previous case na nasolve nila. Pero palaging tatlo lang ang pinapadala nung mga nakaraan. Naalala ko naman nung kararating ko lang, si Riye,Akane, at Ken lang ang nasa mission.
1 week before ako dumating, si Reiji, Hiro at Akane naman ang magkakasama. I guess, simula nung umalis ako ngayon lang talaga sila magkakasama ulit sa isang case. Ngayon kumpleto na kami.


Si Hiro naman ay nakaupo lang malapit kina Riye at nakapikit.

Si Riye at Reiji naman ay may binabasang libro.

Tumigil lang sa pagbabangayan si Ken at Akane nang may pumasok sa office na isang lalaki.

Sa tingin ko ay nasa mid-20's lang ang lalaki.  Pero mukha siyang businessman dahil may suit case siyang dala. Naka-black suit din ito. Matangkad at matangos ang ilong. Katamtaman lang ang kulay nito, makinis.

Lumapit ang lalaki kay Sir Hayate na nasa receiving area.

Medyo malayo ang area na iyon sa amin kaya inuulit ni Akane sa amin ang sinasabi ng lalaki kay Sir Hayate.


"Goodmorning Sir. Welcome to Teitan Agency . How may we help you?" Sabi ni Sir Hayate sa lalaki.

"I've heard that this agency is great when solving cases. Gusto ko sanang tulungan n'yo ako na mahanap ang kumuha ng data sa kompanya ko. It has been three days when I found out out that someone gathered all data from my office and stole it. After that, those data are deleted from my computer. Alam kong isa sa mga empleyado ko ang gumawa nun. Wala pa akong pinagsasabihan dahil nagoobserba pa ako kung mayroon sa kanila ang kakaibang kilos. Pero dahil masyadong mabusisi ang case ko, kaya napagpasyahan ko lumapit na sa inyo. "

"You mean Sir? -"

"Gerald. Gerald Kimoto."

"Well Mr. Kimoto, wala po bang any cameras na connected sa office mo para makita kung sino ang mga lumalabas sa office mo. And sa tingin n'yo, anong oras ginawa ang pagnanakaw ng data sa inyo?"

"Hindi ako nagpalagay ng any cctv's sa office ko dahil ayokong namomonitor ng mga empleyado ang mga kilos ko. Pero sa hallway ay mayroon. Chineck ko na din yon, my secretary and two of my employees went to my office that day. Iyon yung araw na out of town ako with some business transaction. "

"Sa tingin n'yo Mr. Kimoto, ano ang mga maaaring dahilan para pumunta ang mga empleyado ninyo sa office kahit na wala kayo doon?"

"Ang secretary ko ay allowed talagang pumunta doon dahil siya ang nagoorganize ng mga schedule ko. Yung dalawang empleyado naman ay may mga dalang reports na inassigned ko sa kanila at nakita ko naman na iniwan nila ito doon. "

"Okay Sir, pakisulat po ang mga pangalan ng mga suspects ninyo." Saka niya inabot dito ang isang notebook.

Pinindot niya na ang button na connected sa room kung saan kami naroon. Signal para pumasok na kami.

"Mr.Kimoto, sila ang makakasama mo sa case na ito."

Tinignan naman kami isa isa ng client. Medyo nailang pa ako kasi sa akin tumagal ang tingin niya.

AKEMI-TANTEI HIGH Where stories live. Discover now