Nagsimula na kaming magprepare ng mga gamit namin.
Walang nagsasalita sa aming tatlo ngayon dahil busy pare-pareho sa pageempake.
Nauna si Riye matapos sa pagaayos ng gamit. Tinulungan niya naman kami ni Akane.
Natapos na din si Akane. Patapos na din ako, hinahanap ko lang yung jacket na binigay sa akin ni Mama.
At nang makita ko ay tuluyan ko na ding isinara ang maleta ko.
Pare-pareho kaming humiga sa kama ng pasalampak.
"Hindi pa ba kayo nagugutom?"
Tanong ni Akane sa amin."Hmm. Medyo.."- Riye
"Tara sa plaza.."
Yaya ko naman sa kanila. Kaya naman tumayo na kami at nagayos ng mga sarili.***
Habang namimili sila ng pagkain ay kumuha na ako ng pwesto namin.
Sabi ko sa kanila ay sila na ang bahala sa kakainin ko.Nang dumating ang order namin ay ngayon ko naramdaman yung gutom ko. Malamang ay ganun din sila dahil mabilis din silang natapos kumain kagaya ko.
"Hay grabe ang tagal din pala natin nagayos ng gamit noh.."
"Oo nga Nee-san.. Yung mga boys kaya, nakapag-ayos na kaya yung mga iyon?"
"Hmm, Siguro.."
"Hi! Can I join you?"
Tanong ng lalaking lumapit sa table namin. Parang ngayon ko lang nakita ang lalaking ito. Kaya hindi din ako familiar kung anong family siya nabibilang. Pero light brown na ang mga mata niya.
"Sure!"
Sagot ni Akane sa kanya."By the way, I'm Juno. "
"Ow.. From what family do you belong?" Tanong ulit ni Akane dito.
"From Hada family. And the three of you are from Meitantei right?"
"Yes. Exactly!"
"Uhmm, Bakit magisa ka lang?" Tanong naman ni Riye sa kanya. Habang ako ay tahimik lang at kumakain ng fries.
"Bihira lang kasi akong makihalubilo eh, actually nakita ko lang kayo kaya ako pumunta dito."
"kami? Bakit naman?" tanong ulit ni Akane sa kanya.
"I just want to meet some of Atama's member. "
"Ganun ba.. Okay! I'm Akane,"
Saka siya nakipagkamay dito."I'm Riye.."
Hindi pa din ako kumikibo kaya siguro siya na Ang nagapproach sa akin.
"And you are Akemi right?"
"How did you know her? Akala ko ba gusto mo kaming makilala, eh kilala mo na sya eh.." Tama naman ang sinabi ni Akane.
"Ah, kasi anak siya ng President diba."
Hindi ko alam kung bakit parang hindi ako interesadong kausapin siya. Kanina pa kasi siya tingin ng tingin sa akin. Kausap siya nila Akane pero sa akin siya nakatingin. Ang weird niya lang.
"Naku Juno, pasensya ka na ha, pero kailangan na kasi namin umalis. Next time nalang tayo magbonding ulit." Bigla namang sabi sa kanya ni Akane. At totoong kailangan na naming umalis dahil hinihintay pa kami ni Sir Hiroshi.
"Nice meeting you Juno." Sabi naman ni Riye sa kanya.
"It's my pleasure to meet the three of you. " At bigla nanaman siyang tumingin sa akin.
YOU ARE READING
AKEMI-TANTEI HIGH
FanfictionThe continuation of Akemi's journey as being the daughter of Rielle Miyamoto and Aaron Lopez on Tantei high, with her Atama family and the missions.