Nagising ako ng 3am.. Naninibago ako sa atmosphere kaya siguro ganitong kaaga ako nagising..
Ginawa ko na ang routine ko tuwing umaga:toothbrush,ligo,bihis. Saka ako lumabas ng kwarto ko..Pagkalabas ko ay may ilang shinigami na din na gising at ng makita nila ako ay nagbow sila sa akin.
Ibang iba ang gawain dito kumpara sa nakasanayan ko.
Dahil hindi ko matandaan kung saan ang daan papunta sa building kung nasaan sina Darwin, ginamit ko nalang ang black dimension. Inimagine ko lang ang itsura ng lugar na yon at dito nga ako lumabas. Nasasanay na ako na gamitin ito.Mukhang hindi pa sila gising. Naglakad lakad muna ako habang hinihintay sila.
Sa paglalakad ko ay napadpad ako sa tapat ng isang malaking pinto.
Wala itong label, pero mukhang may sa something sa loob nito. bubuksan ko na sana ito ng may marinig akong kaluskos sa paligid ko. Awtomatiko namang hinugot ko ang mga cards mula sa bulsa ko at ng akmang ihahagis ko na ito ay biglang nagsalita ang target ko kaya napahinto ako."Ooops! Did I scared you?" Tanong nito sa akin. Ngayon ko pa lang nakita ang lalaking ito. Matangkad, katamtaman lang ang kulay ng balat nito. Matangos ang ilong. Mapungay ang mga mata, hindi ko alam kung inaantok lang ba sya o ganito talaga ang mga mata niya. Maganda ang built-in ng pangangatawan nito.
"Are you done checking my physical features?" -
" Who told you I'm checking on you?" Tinapangan ko nalang yung dating ng sagot ko sa kanya.. Medyo napahiya ako dun ahh..
Tumawa siya ng bahagya, saka sya tuluyang lumabas sa pinagtataguan niya. In all fairness.. Gwapo nga sya.
"Who are you?" tanong ko sa kanya.
"Well.. Let me introduce myself to you Princess.. I am Riyuu, One of the elites."
Pagkapos niyang magpakilala ay saka naman biglang sumulpot si Haruka.
"Goodmorning Riyuu, Akemi. Magkakilala na ba kayo?" -Haruka"Goodmorning Tita Haruka.. Actually kapapakilala niya pa lang sa akin ng dumating kayo.."
"Well that's good. Isa siya sa mga makakasama mo sa training Akemi.. Isa sya sa elite ni Seiji. Since gising naman na kayo, have your breakfast now, I'll give you 1 hour to prepare. Then proceed to the field. Riyuu, accompany her.. Hindi niya pa alam ang pasikot sikot.. By the way, she's Akemi, the daughter of our supposedly leader. That means she is also a Royal."
" I'll take good care of her. "-Riyuu
***
More on vegies ang kinain namin. Grabee!!! mukhang magiging healthy living ako habang nandito ako ahh..
Nang matapos kaming kumain ay nagtoothbrush lang ako saglit at lumabas na ulit ng kwarto ko. Saka niya naman ako dinala sa field na sinasabi niya. Dun daw kami magtetraining..
***
"Dahil iba ang paraan ng training ng mga Senshin sa amin bilang Shinigami, medyo magaadjust ka Akemi.. Pero wag kang magalala.. Ganito din ang pinagdaanan ni Rielle noon. Bago niya kami naging elite, magkakasama kaming nagtraining. Dun nabuo ang pagkakaibigan namin nila Kid." -Haruka" Ok lang po iyon Tita Haruka.. On that way, mas makikilala ko si mama.. And thankyou.. Thankyou for doing this favor to me.."
" It's a great pleasure Akemi.. Ikaw na lang ang naiwan sa amin ni Rielle. At hindi namin hahayaan na may mangyaring masama sayo dahil ikaw ang pinakaimportante kay Rielle. You're the most beautiful thing that happened to her. Kaya kailangan mo pang lumakas.. "
Pagkatapos ng paguusap namin ay ipinaliwanag niya na sa akin kung ano at papaano ang magiging set up ng training ko. May mga makakasabay akong elite.
Gigising kami ng 4am para maghanda. Which is included na ang pagaalmusal, at pagaayos ng sarili namin.
At ngayon na magsisimula ang training ko.
YOU ARE READING
AKEMI-TANTEI HIGH
FanfictionThe continuation of Akemi's journey as being the daughter of Rielle Miyamoto and Aaron Lopez on Tantei high, with her Atama family and the missions.