Chapter Seven

5K 121 0
                                    

Nagpatuloy ang ganung set up namin sa training. Nakakadalawang linggo na ako dito at feeling ko ay pumayat talaga ako! Come to think of it na puro gulay at prutas ang kinakain namin, tapos pagkagising sa umaga ay magwawarm up kami bago magsimula ang training.

Pero masarap sa pakiramdam dahil marami ng nagimprove sa akin. Sa huling araw ko daw ng training ay si Tita Haruka na daw ang makakalaban ko..
Medyo kinakabahan ako.. Ang cool pa naman ng sixth sense niya. She can predict what will happen for the next 5 seconds.

Magkasama kami ni Darwin ngayon. Nililibot niya ako sa base kahit hindi pa tapos ang buong training ko. Gusto niya daw kasi makasama ako ng mas matagal habang nandito ako.

Nabanggit niya na din sa akin na yung kwartong tinutulugan ko ay ang dating kwarto ni Mama.. Kaya nandun ang ilang mga gamit niya.
At yung mysterious door naman na walang label, dun daw dati nagi-stay ang mga magulang ni mama nung buhay pa sila, or shall I say, my lolo and lola, si Raeko at Subaro. Ito daw yung mga building na hindi nasira nung sinugod namin ang base ng mga shinigami. Dahil medyo malayo daw ito doon, kaya hindi ito tinamaan ng mga pagsabog. Dito na daw nila tinayo ang bagong base since memorable naman daw ang lugar na ito. Pero hindi ko na matandaan ang lugar na 'to, siguro nga dahil hindi naman kami umabot dito.

"Sa tingin ko maninibago ang mga kasama mong Senshin pagbalik mo sa Tantei high."-Darwin

"Bakit naman? Saan sila maninibago? "

" Sayo.. Your presence is very much different now compared nung nandun ka pa.."

"What do you mean?"

"Maraming nagbago sayo.. except yung medyo pumayat ka hah.." At ngumiti pa sya ng bahagya.

Pinilit ko syang sabihin kung ano yung sinasabi niyang changes pero hindi naman niya sinabi.. Bahala na daw sila Akane na magsabi sa akin. Nakakainis 'to!

***

"This is the third week of your training.. At dahil one month lang ang target natin Akemi sa training mo, you have to exert more effort this time.Alam ko naman na sobra nyong binibigay ang best nyo, but this time, mas tough ang pagdadaanan nyo.. And for you Akemi, you have to go back asap to the campus to catch up on your missed lessons in school."-Haruka

"Opo Tita.. by the way, panu po ba magiging mas tough ang training namin ngayon?"- Akemi

" Kung mapapansin nyo ay sinanay ko kayo na gumalaw habang may mabigat na nakalagay sa mga paa at kamay nyo.. The reason is for you to improve your stamina.. at lahat kayo ay pumasa duon.. Now..
what you will do is to take off those heavy things on your body. "

At nagliwanag naman ang mga mukha naming apat pagkasabi nun ni Tita Haruka.

"But.. you have to fight with each other."
.
.
.
.
.
.
.
.
.
. At napanganga kami dahil duon..

Seriously?!!! As in now na?


At nagsimula na nga naming tanggalin ang sapatos at wrist band.

Woooh!! Ang gaan sa pakiramdam!!

Si Tita Haruka ang pumili ng makakatapat namin..
Si Take ay natapat kay Seira, si Riyuu naman ang makakalaban ko.
Pinaglayo layo niya kami, at ng nakaayos na ang pusisyon ng bawat isa, saka niya kami binigyan ng 'go signal'.

Nakikita ko sa peripheral view ko na naglalaban na ang dalawa. Samantalang wala pang gumagalaw sa amin ni Riyuu.
Dinukot ko na ang mga cards ko saka ko ito akmang ihahagis sa kanya ng bigla syang nawala! Ginamit niya ang black dimention! Yes, that is his sixth sense. He can control the black dimention sa paraang gusto niya, at syempre hindi mo alam kung saan sya susulpot, pero dahil familiar ako sa black dimension, I can easily recognize kung saan sya lalabas. Just like now, nararamdaman ko ang pagbukas nito sa bandang likuran ko, at tama nga ako!

Awtomatikong inihagis ko sa kanya ang mga cards ko, saka ako nagsummon ng bow ang arrow. He deflected some of my cards pero may ilan na tumama sa kanya. He had scratches on his face and arms. Pero parang wala lang sa kanya yun. Ngayon ay may hawak na sya na sword, at bigla syang sumugod sa akin. Nagpakawala ako ng isang arrow at target ko ang paa niya, at tumama nga ito dahilan para bumagal ang pagsugod niya sa akin.
I used that moment to conceal my presence.. Hindi ako naturuan kung paano ito nagagawa, nagulat nalang ako na isang araw ay nagagawa ko na ito.

Hindi niya naramdaman na nasa likod na niya ako, saka ko pinaikot ang kanang paa ko sa kanang paa niya,dahilan para matumba kami pareho, at ginamit ko ang pagkakataon na yon upang mapaibabaw ako sa kanya, saka ako nagsummon ng knife, at itinutok ito sa kanya.

Pagkatapos nun ay bigla syang namutla. Lumapit na si Tita Haruka sa amin at inalalayan kaming makatayo.
Nagulat naman ako ng biglang iniabot ni Riyuu ang kamay niya, nakikipag-shake hands siya.

"Congrats! Tinakot mo ako ah! akala ko tutuluyan mo na ako!!" saka siya tumawa ng malakas. Naalala ko naman ang pamumutla niya kanina. Yun siguro ang iniisip niya during that time.
Nang hanapin naman ng mga mata ko yung dalawa ay naglalaban padin sila. Nakakaaliw silang panuorin dahil parang hindi sila napapagod. Feeling ko tuloy ang boring ng laban namin dahil natapos agad. Infairness hah.. Ang galing nilang dalawa. Halos pantay ang lakas nila dahil wala padin sumusuko.
Habang pinapanuod ko sila, kapansin pansin yung bilis nila, at the same time ay parang hindi sila nakakaramdam ng pagod. At kung babalikan ko yung pangyayari sa laban namin ni Riyuu kanina, hindi din ako nakaramdam ng pagod. At parang napakagaan ng pagkilos namin. Saka ko narealize na ito ang effect ng pinagawa sa amin ni Tita Haruka. Ang sapatos at wrist band.  Its function is to improve our stamina  during a fight. At nang tinanggal namin ito, bumilis ang galaw namin, at maging ang katawan namin ay hindi din agad napapagod ng basta-basta. On that way, we can fight all along in a way that we can balance our speed and skills.

***

Katatapos lang ng training namin and we all did great!
Naalala ko nanaman ang training namin. Para kaming mga athlete. Kailangang mahanap namin ang Red Stone na itinago ni Tita Haruka sa paligid namin. She hide it for about 100 meters far from us, at kailangang paunahan kaming makahanap nun sa pamamagitan ng pagtakbo sa area na yun. Syempre may timer. At gusto pang mandaya ni Riyuu! Kanina, he was about to use the black dimension pero dahil naramdaman namin yun ay kinuyog namin sya! Nang makalapit kami sa kanya ay binatukan sya kaagad ni Seira, hawak naman ni Take ang kamay niya at ako naman ay hila-hila sya sa tainga!

"Mandadaya ka pa ahh!!" -Seira

Pagkatingin naman namin kay Tita Haruka ay tumatawa sya habang nakatingin sa amin.

At pinabalik niya na kami sa pwesto namin. Nagsimula na kaming tumakbo. Grabe, kahit gaano ata kalayo ang takbuhin namin parang hindi kami napapagod. Para lang kaming mga naglalaro that time. To make the story short................















Dahil sa sixth sense ko, nakita ko kaagad kung saan nakatago ang Red stone!

Nang makarating ako sa lugar kung saan ito nakatago, akmang kukuhanin ko na ito ng biglang may makita akong kamay na nakapatong na doon!
Nagulat talaga ako at ng tignan ko kung sino iyon,









Si Take!!!!

"I'm first!" With matching ngiti pa na nakakaloko.

"Teka saan ka galing?? Bakit hindi kita naramdaman? Hindi din kita nakita ah!! Ang daya!!!" Saka mas lumapad pa ang ngiti niya kaya lalong nakakainis.

Nakakainis talaga! hmmmmp!!!

At dun nagtapos ang training namin ngayong araw. Syempre, si Take nga ang panalo. At ang premyo niya ay sila lang daw ni Tita Haruka ang makakaalam.

End of Flashback.

AKEMI-TANTEI HIGH Where stories live. Discover now