Ngayon na ang araw para bumalik ako sa Tantei high..Excited na akong makita silang lahat, but at the same time.. Nalulungkot akong isipin na may mga maiiwan nanaman ako..
Kahit na isang buwan ko lang sila nakasama, sigurado akong mamimiss ko din sila ng sobra..
Inayos ko na lahat ng gamit ko.
Dahil wala pa si Darwin, si Riyuu daw ang maghahatid sa akin..
Sayang.. Hindi ko man lang nakasama si Darwin ng mas matagal.Papunta na ako ngayon kay Tita Haruka. I really have to thank her a lot. Mula sa kinatatayuan ko, natatanaw ko siya na nakatingin sa akin habang papalapit ako sa kanya.
I'm not really sure kung tama ba yung nababasa ko sa mga mata niya. But I can see sadness in her eyes.
Yes, hanggang sa mata lang ako nakakaramdam kung ano iniisip niya, dahil kagaya ni Papa at Mama, I mean Mama ni Hiro, I can't read their mind. Maybe because they don't want us to see how hard they've been through.Nang makalapit na ako sa kanya, bigla niya akong niyakap.
"Medyo matagal bago ulit tayo magkikita. I hope sometimes makapasyal ka ulit dito.. Sana payagan ka ni Hideo. Anyways, pakikumusta ako sa Papa mo at kay Naomi. "
"Opo Tita.. Uhmm.. Ok lang po ba kung dadalhin ko ang ilang gamit ni Mama na nasa kwarto?"
" Of course! Just like what I've said, those things are yours now. "
"Thankyou Tita Haruka."
Then she smiled sweetly to me.
"It is my pleasure Rainie to train you. Alam kong kahit sa simpleng bagay na ito, mapapasaya ko ang Mama mo..
And as time goes by, you're turning to be just like your mom.. The way how you looked at people around you, I remembered Rielle. Oh sya.. Bumalik ka na sa Tantei high.. Hihintayin ka ng Papa mo sa forest.. "Saka niya ako niyakap ulit..
"I'm gonna miss you Tita Haruka.."
"Mas mamimiss kita Rainie.. Sayang hindi ka na maabutan ni Darwin.. Malulungkot yon.. Alam kong dadalawin ka nun sa inyo anytime. " Kumalas na siya sa pagkakayakap sa akin at hinanda ko na din ang aking sarili. Pupuntahan ko na sila Riyuu..
Nasa field daw sila ngayon sabi ni Tita Haruka. Sinuot ko ang black cape ni Mama.. I felt much comfortable nung sinuot ko ito..
Nasa 100 meters pa ang layo ko sa kanila. Ngayon pa lang nalulungkot na ako. I think we're just the same kasi nakikita ko sa reaction ng mga mukha nila na malungkot din sila..
And then I tried to read their mind habang naglalakad ako palapit sa kanila.
"I hope she'll come back soon.. Wala na akong kasamang girl sa training. . huhuhu! Wala na akong makikitang magandang mukha tuwing umaga.. Ang ganda ganda niya kasi.. Lalo na ng mga mata niya.. Mamimiss ko talaga siya! Ngayon pa lang namimiss ko na sya!"
-Seira"Kapag bumalik na ulit s'ya dito yayayain ko naman siya sa mga lugar na di niya pa napuntahan! Sana mas mabilis siyang makabalik.."
-Take"Naaalala ko nung unang beses kaming nagkita.. Natutuwa talaga ako sa mga reaction niya! Pero mas natuwa pa ako ng mabasa ko sa isip niya na nagwagwapuhan sya sa akin! hahahahahhahah! Kapag bumalik na sya ulit dito ipapaalala ko yon sa kanya. Aasarin ko talaga siya! Hahhaah."
-Riyuu
YOU ARE READING
AKEMI-TANTEI HIGH
FanfictionThe continuation of Akemi's journey as being the daughter of Rielle Miyamoto and Aaron Lopez on Tantei high, with her Atama family and the missions.