Chapter Twenty Three

4.6K 130 1
                                    

Maya-maya lang ay dumating na si Hiro.

Sa mismong building siya dumaan kaya  medyo natagalan siya. Pagkabukas niya ng pinto ay hawak niya na ang details tungkol sa biktima. Marahil ay iyon din yung sinabi ni Riye sa akin kanina.

"Kasama ni Miyu si Riye pero dahil sa kalagayan ni Akane ay naiwan na din siya doon."-Hiro

Binuksan ko naman ang isip ko para mabasa niya kung anong nangyari kanina dito at kung bakit nakatali ang isang ito.


Habang inaanalize ni Hiro at Reiji ang mga dokumento ay umikot akong sa kabuuan nitong kwarto.

Walang masyadong gamit dito. Sa tingin ko ay ngayon niya lang ginamit ang kwartong ito.

Para dito niya maisagawa ang mga plano niya.

Ititigil ko na sana ang pagiinspect sa kabuuan ng kwarto pero may nahagip ang mata kong parang envelope na nakaipit sa isang drawer na nasa bedside.

Lumapit ako upang kunin ito.

Nang buksan ko ito ay hindi ako makapaniwala sa nakikita ko..



All of this are just frame up..




Marahil ay naramdaman ni Hiro na may kakaiba sa presense ko dahil bigla siyang lumapit sa akin. At nang makita niya ang hawak ko ay pareho lang kami ng naging reaction.

Nagmadali kaming lumapit kina Reiji nang may narinig kaming nagri-ring..

Yung phone na ibinigay ni Sir Hayate sa amin in case na magkaroon ng problema.

Sinagot ito ni Hiro.

"Yes, we are still here.. Sige, pupunta na kami.."

Iyon lang ang tanging narinig kong sagot ni Hiro. Pero bakas sa mukha niya ang lungkot o pagkadismaya.

"Mr. Nohaji is already dead. He was killed on his office of about 25 minutes ago.."

Sabi niya sa amin.

Nakakalungkot dahil hindi namin napigilan ang mga pangyayare..

At nang marinig iyon ni Mr. Kiyoko ay bigla siyang tumawa ng nakakaloko.

Sa normal na reaction ng makakakita sa kanya ay iisiping nababaliw na siya.

Kaya pala kakaiba ang mga ikinikilos niya kanina nung mahuli namin siya.

Basically, sa isang tao na sukol na sa isang sitwasyon, gagawin ang lahat para makatakas.
Pero kanina, ginamit niya lang ang mga pagkakataon upang masayang ang oras namin sa kanya. Pero sa likod ng lahat ng ito, ay patuloy niyang naisasagawa ang plano niya.


Ang patayin si Mr. Nohaji.



Si Mr.Nohaji ang talagang target niya.

Sinet-up niya lang ang lahat ng nangyari upang maligaw ang mga police sa pagiimbestiga. Wala siyang kailangan sa mga dokumento.

Kaya pala hindi na namin nakita ang mga iyon sa mga nakalaban namin kanina.


I felt so down na naisahan kami ng isang humdrum. At may mga tao pa na muntik nang mamatay ng dahil sa kanya.
Kaya naman nang mapatingin ako sa kanya ay hindi ko na napigilan pa ang emosyon ko. I punched him so hard.

AKEMI-TANTEI HIGH Where stories live. Discover now