Chapter Fourty- Seven

3.2K 84 9
                                    

"Aalis siya ng bansa ngayon.  1pm ang flight niya, we still have 2 more hours left."-Ken

"Kami ni Akane ang mauunang pumunta, while you kept on investigating about her."- Reiji

"Susunod ang mga Senshin police officer in case you need back up."- Hiro

Saka naman tumango sina Akane at Reiji.

Pinagpatuloy naman namin ang pagiimbestiga sa previous activity ni Ms. Jenica Llameda. Nakausap na din namin si Mr. Jonathan regarding sa ex girlfriend niya.

Napansin ko din na tila biglang nagulat ito ng mabanggit namin ang pangalan ni Ms. Llameda.

"S-siya ba ang p-pumatay kay Melody?"

Tanong nito sa amin.

"Iniimbestigahan pa namin ito Mr. Melandrino. Kaya kung may nalalaman kayo na makakatulong sa kaso, mas makakabuti kung makipag cooperate kayo sa amin ng maayos."

"Pinagbantaan niya ako.."

"Anong ibig mong sabihin? Anong pagbabanta?"

"Gusto niyang balikan ko siya.. But I rejected her.. I loved Melody.. Alam niya iyon.. A-at sinabi niya sa akin na kung hindi ko siya babalikan ay papatayin niya si Melody.."

"Kung pinagbantaan ka niya, bakit hindi mo ito ipinagbigay alam sa awtoridad.?"

"Hindi pumasok sa isip ko na seryoso siya sa threat niya.. Eversince nung naging kami noon, she's always been a nagger.. B-but I never thought.."

At tuluyan na itong humagulgol..

"Kasalanan ko ang lahat ng ito.. Kasalanan ko kung bakit namatay si Melody..!"

Nanatili lang akong tahimik na nakikinig sa kanya. I never thought na may taong kayang gumawa ng isang karumal dumal na krimen for the sake of love..

And knowing na ang taong gumawa ng krimen ay sobra lang na nagmahal, hindi niya alam na sa ginawa niya ay sinaktan niya na din ng husto ang taong mahal niya.. To the point na pinatay niya na din ang tanging makapagpapasaya dito.. Dahil nagdurusa din siya..

Now I understand the meaning of what they called  selfish love..

"We found the place where Ms. Garcia has been tortured. We also gathered all her belongings which only proves na galing siya sa lugar na iyon.. And I also found this bottle.."

Saka niya itinaas ang isang boteng maliit. Wala itong label.

"What is that?"

"Ito ang pinaglagyan ng poison na sapilitang pinainom sa biktima.. This bottle has the same substance that I 've been telling you about the victim's body.. Ito yung naaamoy ko.."

"We had enough proof to arrest her."

"We don't have to.."-Riye

"What do you mean?"

"Tumawag ang Senshin police officer Nee-chan.. Kusa nang sumuko si Ms. Jenica Llameda.. "

At pagkasabi nun ni Riye ay agad kaming kumilos upang pumunta sa Agency.

***

"Susuko ako hindi dahil pinagsisisihan ko ang pagpatay ko sa babaeng iyon. Nandito ako sa harap niyo ngayon dahil hinaharap ko ang consequences ng ginawa ko."

"Pero kung hindi ka namin naabutan ay malamang na tumakas ka na."-Reiji

Hindi umimik ito.

Marami pang katanungan ang ipinasagot namin sa kanya na madali niya namang tinugon.

At base sa pagdedetalye niya ng lahat ng pangyayari ay umakma ngang lahat ng ebidensya hanggang sa matagpuan ang bangkay sa Melandrino Industry.

Inamin niya din na tunakot niya si Ms. Hernandez na kung hindi nito gagawin ang ipinaguutos niya ay ito ang papatayin niya.

Pinagaya niya ang itchura ni Ms. Garcia dito upang malito ang awtoridad sa pagiimbestiga dahil tinawagan niya si Ms. Garcia upang sabihin na makikipag kita siya dito at may importanteng sasabihin. Pinadaan niya ito sa back exit kung saan hindi sakop ng cctv camera sa building. Kung kaya't imbes na sa parking lot lumabas ito ay sa likod ng company ito dumaan. Dahil dito ay nasagot na din ang katanungan ko kanina dahil sa time interval ng nasabing paglabas nito sa building at sa oras kung saan nadoon na sa Rodriguez avenue ang biktima.

Inamin din nito na habang nasa sasakyan niya ang biktima ay pinatulog niya ito kung kaya't madali niyang naisakatuparan ang kanyang mga plano.

Inamin niya din na kinausap niya si Ms. Garcia one week ago bago pa mawala ang biktima. Sinabi niya ditong may namamagitan pa sa kanila ni Mr. Melandrino na naging dahilan ng pakikipaghiwalay nito sa nobyo kaya't napagalaman din namin na nagsasabi ng totoo ang lalaki.

Tinorture niya ang biktima sa kadahilanang nais niyang maranasan nito ang sakit na naranasan niya ng iwanan siya ni Mr. Melandrino.
At dahil inaakala niyang kapag nakita ng lalaki ang nangyari sa nobya ay matatakot ito at nang sa gayon ay balikan siya kung kaya't iniwan niya ang bangkay sa mismong pinagtatrabahuan nito. Ngunit ng makita niyang lumalalim na ang imbestigayon ay napagpasyahan niyang  umalis na lamang ng bansa.

Ngunit huli na dahil nahuli na namin siya.



Maya- maya lang ay bumukas ang pintuan ng interrogating room.

"Ikaw... Bakit mo nagawa ito?.."

Pilit na pinapalabas ng mga official si Mr. Jonathan Melandrino ngunit mapilit itong pumasok dito.
Sumenyas naman si Hiro na pabayaan na ito.

"Anong kasalanan niya sayo?! Hindi mo siya kailangang patayin!"

"Minahal mo siya ng higit sa akin! Alam mong hindi ko kayang mawala ka! Hindi ko kayang makitang masaya ka kasama ang ibang babae!"

At pareho na silang umiiyak.

"Hindi mo dapat ginawa ito sa sarili mo.."

"Hindi ko pinagsisisihan ang ginawa ko.. Kung hindi ka mapupunta sa akin, Hindi ka din mapupunta sa kanya!"

At tuluyan ng nag hysterical ito.

Sasailalim ito sa isang psychiatric process dahil base sa behavior nito, malaki ang posibilidad na may problema ito sa pagiisip.

Kinausap na din namin si Mr. Melandrino at itutuloy niya ang pagsasampa ng kaso laban dito. Maging ang kanyang empleyado na si Ms. Hernandez ay may kakaharaping kaso dahil sa pakikipagsabwatan nito sa killer.

Dahim wala ng pamilya ang biktima, si Mr. Melandrino ang nagasikaso sa lahat ng pangangailangan nito. Ipinagpasya din niyang ipa- cremate ang labi ng nobya.

Sa kabila ng lahat ng nangyari ay kitang kita pa din namin ang pagmamahal nito sa nobyang yumao na..

Kung ang ex girlfriend nito ay mag selfish love toward sa kanya, siya naman ay masasabing may unconditional love para sa nobya niyang  namatay..

Nasolved namin ang kaso ngunit mabigat sa loob dahil sa mga nasaksihan namin.

I just kept on my mind that everything happens for a reason..







***

AKEMI-TANTEI HIGH Where stories live. Discover now