ZAIRA'S POV
"Hoy! Zaira, Uso gumising. Tayo na jan at maligo kana ang baho mo. " paggising naman sakin ni kuya habang inaalog buong katawan ko.
"Kuya ano ba?! Epal ka naman eh. " naiinis ko naman sagot kay kuya sabay takip ng unan. Realtalk inaantok pa talaga ko. Nakakapagod maging alalay maghapon hays.
"Ayaw mo gumising? Bahala ka paghintayin mo bisita mo dun sa baba. " ha? May bisita ako? Sino?
Bigla naman akong napatayo at.. "Hala? May bisita pala ako? Sino?!" Pagtataka kong tanong.
Saglit lang akong natigilan ng maalala ko kung sino yung bisita ko.
"Ow shock! Si Darren ba kuya?! " nagulat kong tanong kay kuya. Hala hindi ko naalala sa sobrang pagod ko. May lakad pala kami ngayon ni Darren. Hala nakakahiya.
"Oo. Ano ng balak mo?! Kumilos kana nakakahiya kay Darren kanina pa yun doon. " pagsesermon naman sakin ni kuya. Hala hindi ko kase talaga alam. Nakakahiya kay Darren.
"So pinayagan mo na ako? Eh si mama? " tanong ko naman sa kanya. Baka kasi hindi ako payagan hahaha.
"Oo kagabi kapa pinagpaalam ni Darren, tas si mama kinausap ko na. " pagsagot naman ni kuya sa tanong ko. Pero seriously?! Pag kay Darren pinapayagan ako pero pag mga friends ko?! Hays ayuqna.
"Ahhh. Sige pala kuya salamat. " pagpapasalamat ko naman sa kanya. "Ah -eh kuya hindi ka ba sasama? " nauutal kong tanong kay kuya. Nahihiya pa kase talaga ako kay Darren ngayon lang naman kase kami lalabas.
" Hindi! Date niyo yun eh. Boto na kami kay darren. " mapangasar naman niya sabay may binulong nanaman. "Joke lang. Hahaha, pupuntahan ko kase si ate ella mo at may taping kami para sa bagong music video namin. " pagpapaliwag naman niya.
"Ahh. Sige goodluck kuya. Pero labas kana pala magaayos na ako. " sabi ko naman. "thanks ulit kuyaaaaaa. " pasigaw ko namang sabi kay kuya.
•••••
Katatapos ko lang mag ayos. Mga 10mins lang natapos na rin ako. Kasi naman nahihiya talaga ko kay Darren. First time ko pa mandin siyang makasama tas malalate pa ako?!
Sinuot ko naman ay Croptop na white na may nakasulat na "Dream Big" tas high waisted Jeans then yung adidas ko namang shoes na kulay black. Hindi na ako nag dress baka mapagkamalan pa na magdadate kami ni Darren.
Pagtapos kong magbihis ay kaagad ko namang sinuklay ang buhok ko. Hindi ko na pinusod at nilugay nalang at dali dali naman akong bumaba.
"Buti naman at natapos kana. " sabi naman ni kuya habang kumakain ng mansanas. Tinaasan ko nalang siya ng kilay.
"Ahmm. Darren Sorry, hindi ko kasi naalala na may lakad pala tayo. Sorry talaga. " pagpapaliwag ko naman kay darren. Huhu nakakahiya kase talaga.
"Nako Darren, sinasadya niya yun. " pagsabat naman ng magaling kong kuya. Kahit kelan talaga panira ng moment to eh. Hahaha.
"Okay lang yun hahaha. Kararating ko lang rin naman. " sabi niya habang nakangiti. Hays buti nalang mabait tong si Darren.
"Wait lang paalam lang ako kay mama. " sabi ko naman kay darren sabay tumango nalang siya.
Nagtungo na ako sa kitchen kase nagluluto si mama ng breakfast.
"Ma alis na po kami ni Darren. " sabi ko naman kay mama sabay hinalikan ko naman siya sa pisngi. Diba sweet ko? Hakhakhak.
"Ahmm okay sweetheart. Wag kayong magpapagabi ah? Hindi na ba kayo magbreakfast ni Darren? " sabi naman ni mama habang busy sa pagluluto. Kahit kelan talaga ang sweet ni mama.
YOU ARE READING
Unexpected Love (Darren Espanto) [COMPLETED]
FanfictionThe Best Relationship are the ones you didn't expect to be in, The ones you Never even saw coming. Eyow! Especially sa mga Darrenatics. Hindi naman kagandahan eto. Pero sana Suportahan niyo HAHAHA. Pero kahit first time ko gagawin ko parin best ko p...