DARREN'S POV
"Sino ka? "
"Sino ka? "
"Sino ka? "
Nagagalit ako sa sarili ko, bakit kailangan mangyari yun kay Zaira? Bakit kailangan niya ko nakalimutan? Kasalanan ko ba 'to? Hindi. Kasalanan 'to ng pabibo kong pinsan. Hays.
Alam ko nagsabay sabay na mga problema ko, isa narin yung sa video na nag viral, nabash ako ng marami pero Aayusin ko 'to lahat.
Pero hindi parin ako susuko, lahat gagawin ko para maalala ulit kami ni Zaira.
"Mom/Dad pupunta lang po ako sa St. Lukes ngayon daw po kasi yung labas ni Zai. " paalam ko naman kina Mommy at Daddy.
"Sige anak mag-iingat ka. " sabi naman ni Mommy.
"Kuya pwede ba akong sumama? Gusto kong makita si Ate Zaira, miss na miss ko na siya. " sabi naman ni nenen sa malungkot na tono, habang nilalaro yung barbie na regalo sa kanya ni Zaira.
"Mom,Dad pwede ko po ba siyang isama? " tanong ko naman kina mommy.
"Yup sure, basta huwag mo papabayaan kapatid mo. " sabi naman ni mommy.
Kita ko naman ang mga ngiti sa labi ni nenen, miss na miss na niya talaga yung ate Zaira niya. Nakabihis naman na si nenen kaya mabilis rin kaming pumunta sa sasakyan. Parang alam niya na may pupuntahan kami hahaha.
After 1hour
Medyo matagal nga kami bago makarating sa st. Lukes, traffic nanaman eh.
Kasalukuyang naglalakad na kami ni nenen dito sa hospital, bitbit niya yung regalo niyang teddybear kay zaira.
Knock.. knock.. knock.. (kumakatok po talaga ako hahaha)
Sabay bukas ko naman sa pinto, at medyo ayos naman na si Zaira ayon sa nakikita ko.
"Ate Zairaaaaaaa, imissyou. " pagsalubong naman ni nenen kay zaira sabay yakap. "For you ate oh" sabi naman niya sabay abot ng teddybear. Pero si Zai nagtataka parin siya.
"Oh thankyou. " pagpapasalamat naman ni Zaira, kahit na medyo nalilito siya. Siguro dahil 'to sa amnesia niya kaya hindi niya maalala si Nenen.
"Oh darren anjan kana pala. " Sabi naman ni tita, na kagagaling sa cr.
"Ma? " sabi naman ni Zaira, na may gustong itanong sa mama niya.
"Ahmm, Zaira si Darren nga pala. Bestfriend mo siya, tapos ito si nenen kapatid niya. " sabi naman ni Tita kay Zaira. Kahit na ganun ang gusto parin nila tita ay makaalala si Zaira.
(A/N: Kaya po kilala ni Zaira yung mommy niya kasi nagpakilala ito nung unang nagising si Zai, at ipinaliwanag nila lahat sa kanya na nagka amnesia siya. Kaya yung mga malalapit na kaibigan niya hidi niya pa ganong maalala.)
"Nenen, Darren sorry kung hindi ko pa talaga kayo maalala. I hope na sana gumaling na ako. " sabi naman ni Zaira sa malungkot na tono. "Napaliwanag na kasi sa akin ni Mama lahat ng nangyari, pero kahit anong kwento nila wala akong maalala. " dugtong pa naman nito.
"Ate Zai, lagi nga po kitang ipinag pepray na sana gumaling kana po, para mo maalala mo na kaming lahat. " sabi naman ni nenen sabay yakap kay ate niya.
"Don't worry Zai, tutulungan ka namin para maalala mo lahat. " sabi ko naman sa kanya.
"Thankyou talaga sa inyo, feeling ko ang bait bait mong kaibigan sa akin noon. " sabi naman niya sa akin.
YOU ARE READING
Unexpected Love (Darren Espanto) [COMPLETED]
FanficThe Best Relationship are the ones you didn't expect to be in, The ones you Never even saw coming. Eyow! Especially sa mga Darrenatics. Hindi naman kagandahan eto. Pero sana Suportahan niyo HAHAHA. Pero kahit first time ko gagawin ko parin best ko p...