KYLEVIN'S POV
5:00am
Maaga akong nagising ngayon, hindi ko alam kung bakit pero parang naeexcite ako na ewan.
Katabi ko ngayon si Darren, tatlo kasi yung bed dito. Sakto lang sa pang dalawahan. Katabi ko si Darren, then si Kyle at Bailey naman sa isa at sila Kuya Julian at Kuya Robi naman ang magkatabi.
Magisa ko palang na gising ngayon. Si Darren bagsak talaga, hahahaha. Pagod 'to for sure. Ganun din sila Kyle,Bailey, Kuya Robi at Kuya Julian. Mga pagod, iba talaga pag artista hahaha.
Kahapon nasa loob kami ng eroplano ng mapaamin ako ng bigla kay Darren. Hindi naman ako natatakot kase alam kong mapapagkatiwalaan naman siya. Ang balak ko kasi dito ako sa Boracay aamin kay Zai. Noon pa talaga yun, ang kaso iniisip ko kung ano ang mangyayari. Inaamin ko natatakot ako, ayaw ko malayo sakin si Zai. Baka masayang kasi yung friendship namin. Pero ngayon? Hindi ko na mapigilan. Lalo na may nararamdaman ako baka paggising ko nalang kinabukasan ay nagkakamabutihan na si Darren at Zai. Alam kong magkaibigan sila pero. Hays basta. Napapansin ko lang naman. Pero malay ba natin diba? Malay mo hindi.
Mga ilang saglit lang ang nagising na si Darren. Pumangalawa siya sabay si Kuya Julian at Kuya Robi naman ang nagising.
Nagsimula ng magayos sila Darren,Kuya julian at Kuya Robi. Naunang naligo si Kuya Julian. Si Darren naman naghahanda ng susuutin niya gayun din si Kuya Robi. Habang si Kyle at Bailey naman ay ang himbing ng tulog.
•••••
So kaming mga boys tapos na kami mag ayos. Papunta na kami aa event Area sa tabi daw ito ng Dagat. Naka pang summer outfit lang kaming mga boys Short, and tshirt then naka tsinelas lang kami.
Sa kasalukuyan, palabas na kami sa kwarto namin. Pero sa room ng girls wala paring lumalabas. Napagpasyahan ni Kuya Julian na tawagin na ang mga ito.
"Czarinaaaaa! " katok naman ni Kuya Julian habang sinasabi pangalan ni Zai.
"Wait kuya. Just 5mins okay? " sigaw naman ni Zai mula sa loob ng kwarto.
"1minute. Bilisan niyo nga. " hirit naman ni Kuya Julian. Habang kami naman ay bahagyang natatawa kasi nakakunot nanaman noo ni Kuya Julian. Hahaha.
Sunod sunod naman ng lumabas sina ate Ella, Ac, Andrea and Ylona but si Zai wala parin.
"Asan na si Czarina?!" Tanong naman ng kuya neto.
"Andun pa sa loob kuya HAHAHA. " Sabi naman ni Ac habang tumatawa.
"Hoy Czarina Zaira! Bilisan mo nga ikaw nalang hinihintay. Baka nag gown ka pa niyan sa Beach lang tayo pupunta. " sabi naman ni Kuya Julian na mas lalo pang kumunot ang noo nito.
"Ito na nga kuyaaaa. " sagot naman ni Zai. Sabay lumabas na ito.
Natulala naman kaming mga boys, sa dahilan ng paglabas ni Zai. Maliban lang kay Kuya Julian, nilibot lang ng mata ni Kuya Julian yung mga mata naming nakatulala kay zai.
Grabe simple lang yung suot niya pero ang ganda niya parin. Naka pang summer outfit din siya. Naka Short na parang bulaklakin kulay Green, then naka tshirt siya na white. As in ayun lang. Tas ang sexy niya pa. Pero ano wala lang yun ah? (Baka kung ano iniisip niyo. Hahahaha).
"Hoy! " sabi naman samin ni Kuya Julian na nakakunot nanaman yung noo.
"Ah-eh Hi Zai" sabay sabi naman namin sabi nila Darren.
"Hello, tara na? Baka malate pa tayo at magalit nanaman 'tong kuya ko. " sabi naman ni Zai sa amin sabay tumango nalang kami.
"Ikaw kaya pinakamatagal. " sabi naman ni Kuya Julian na medyo kumalma na yung mukha. " Kung hindi lang kita kapatid eh. " sabay niyakap naman ng bahagya si Zai tsaka ginulo yung Buhok niya.
YOU ARE READING
Unexpected Love (Darren Espanto) [COMPLETED]
FanfictionThe Best Relationship are the ones you didn't expect to be in, The ones you Never even saw coming. Eyow! Especially sa mga Darrenatics. Hindi naman kagandahan eto. Pero sana Suportahan niyo HAHAHA. Pero kahit first time ko gagawin ko parin best ko p...