CHAPTER 22: The Break Up

179 14 2
                                    

(A/N: Patugtugin niyo po yung kantang HILING by Mark Carpio habang binabasa ang chapter na ito, para mas dama niyo hihi)

ZAIRA'S POV

Nagdaan na nga ang ilang araw matapos yung celebration ng birthday ni Kuya.

Pero paulit ulit na bumabalik sa aking isipan, bat andun si Allison?! Invited ba siya?! Sabi naman ni Kuya hindi. Hays ewan ko ba. Pero iba talaga yung kutob ko dun eh, medyo pabibo. Feeling ko may ginagawa yun na hindi tama. Pero huwag naman sana.

Ilang araw narin kasi kami ni Kylevin na hindi nakakapagusap simula nung umalis siya. Kapag tumatawag ako hindi niya sinasagot o minsan naman nakapatay yung phone niya. Pero naiintindihan ko naman siya eh, business naman yung pinunta niya sa baguio kaya medyo busy.

Ngayon pupunta nga kami ni Darren sa Baguio, para bisitahin si Kylevin. Pero hindi pa naman ito sinasabi kay kylevin na pupunta kami sa baguio balak kasi namin siyang isurprise. Kaya ayun.

After 1hour

Kasama ko na nga si Darren, kakasakay ko lang sa sasakyan niya. Kasama niya lang si Ate Ja at Ate pau yung PA niya.

"Okay ka lang ba Zai? " tanong naman nito ni Darren.

DARREN'S POV

"Okay ka lang ba Zai? " tanong ko naman kay Zai, kasi parang hindi siya excited na pumunta.

"Ahh, oo okay lang ako. Medyo nahihilo nga lang. " sabi naman niya sa akin.

"Ito Zai, white Flower amoy amuyin mo nalang pang pawala ng hilo. " sabi naman ni ate ja. Dahil mas malapit ako kay ate Ja ako na yung nag prisintang mag abot kay Zai.

"Zai oh, " sabi ko naman sabay abot ng white flower. "Kulang ka ata sa tulog. Ano ba ginawa mo? Gusto mo pa bang tumuloy? " tanong ko naman sa kanya.

"Oo eh, medyo puyat. Pero tuloy parin tayo. " sabi niya naman sa akin.

"Halika, umiglip ka muna dito sa balikat ko. " pagpiprisinta ko naman, at hindi naman siya tumanggi at lumapit ito sa akin.

"Ehem! Ehem! Ja, nilalanggam ako. " rinig ko namang pangaasar ni ate pau.

"Oo nga eh, sobrang tamis. Nangangamoy ZAIREN hahahaha" pagsakay naman ni ate Ja sa trip ni ate pau.

"Hala ate Ja/pau" sabay naman naming sabi ni Zaira. At bahagyang napatawa, grabe. Talagang official na yung loveteam namin ni Zai.

Si Zai naman ay bumalik na sa pagkakasandal sa balikat ko at tuluyan namang nakatulog.

After 3hours At Baguio

Kararating nga namin dito sa Baguio, alam ko kung saan yung location ni Kylevin, kasi bago siya umalis sinabi niya ito sa akin. Kaya hindi na kami nahirapan maghanap. Andito na nga kami sa tapat ng rest house nila Kylevin, sobrang laki nito. Feeling ko mag eenjoy kami dito.

"Zai, gising na. Andito na tayo. " sabi ko naman kay Zai habang dahan-dahang tinatapik.

Bumangon naman ito kaagad. At tuluyan ko na nga ring ginising si Ate Ja at ate Pau.

Una na ngang bumaba si Zai, at kita ko sa mga mata at labi niya ang pagkasaya niya. Halatang excited siyang makita yung pinsan ko. Ako naman, huli ng lumabas nag jacket muna ako at shades malay mo ba baka biglang may mga fans na naman mahirap na hahaaha.

Pababa na sana ako sa Van ng makita ko si Zaira na pabalik at umiiyak ito.

"Zai ano nangyari? " nagaalalang tanong ko naman sa kanya. Nagulat naman ako ng bigla niya akong niyakap.

Unexpected Love (Darren Espanto) [COMPLETED]Where stories live. Discover now