CHAPTER 10: The Mallshow

176 25 2
                                    

ZAIRA'S POV

Andito na nga kami sa loob ng Van nila Darren, kasama namin si Kylevin at yung RM ni Darren.

Maaga nila akong sinundo mga 6:30am si Kylevin daw kasi kina Darren nalang natulog. Maaga kami ulis kasi medyo matagal yung byahe papunta sa subic. So ayun, pinaalam na nila ako kay Kuya at kay mama. Pumayag naman si mama kasi may tiwala siya kay Kylevin at Darren maski si Kuya.

"Zai tumawag kami kay Kuya Julian kagabi. " ani ni Darren sa akin.

"Anong sabi? " pagtatanong ko naman.

"Okay lang daw basta safe ka. Then baka makasunod daw sila satin sa subic sila ni ate ella. Mag roadtrip daw sila. " sabi naman ni Kylevin.

"Ahh sige pala. Salamat ulit. " pagpapasalamat ko naman.

Ang naging posisyon namin, ay katabi ko RM nila si ate Ja, madali ko naman itong nakasundo. Talagang sinasadya kong hindi tumabi sa dalawang kumag na yon hahaha.

Masaya naman kaming nagkukwentuhan ni Ate Ja panay kwento siya sa kakulitan ni Darren. Habang sina Darren at Kylevin naman ay naka earphones unti unti na silang kinakain ng antok. Siguro nagpuyat 'tong dalawang 'to hays.

"Alam mo ba yang si Darren napaka kulit niyan kung alam niyo lang. Hays " sabi naman ni ate Ja. Hahaha.

"Ang bait bait kaya niyan ate Ja pag kami kasama hahaha. " sabi ko naman.

"Pero ha, ngayon lang nagsama si Darren ng mga kaibigan niya. Pero si Kylevin diba pinsan niya? " pagtatanong naman niya sabay tumango nalang ako. "Tapos ikaw kapatid ni Julian Trono? " pagtatanong naman ulit niya.

"Opo ate Ja. Hahaha." Sabi ko naman.

"Buti nga dumating kayo ni Kylevin eh, sa totoo lang madalang makauwi parents at kapatid niya dito sa pinas kaya medyo bored siya, kaya ako pinagtitripan. " pagpapaliwanag naman ni Ate Ja. Hahaha, may pagkaabnormal din pala 'tong si Darren.

"Oo nga po eh, hindi ko naman po inaasahan na magpinsan pala sila ng bestfriend ko. Nameet ko lang din po si Darren sa Abs nung sinama po ako ni Kuya Julian. " pagpapaliwanag ko rin naman.

"Ahh ganun ba. Basta isama niyo lang si Darren para naman mag enjoy siya kahit hindi niya nakakasama parents niya. " sabi naman ni ate Ja habang nakangiti.

"Oo naman po. Welcome na welcome si Darren samin. " sabi ko naman sabay ngiti.

Pagtapos naming mag kwentuhan ni ate Ja ang unti unti narin kaming kinain ng Antok. Bago ako matulog ay kinuha ko muna earphones ko.

                               •••••
11:45am

Andito naa nga kami ngayon sa Subic Harbor Point. Dito ata sa mall na 'to gaganapin yung show ni Darren.

Ginising ko naman na silang dalawa. Ang sarap sarap ng tulog nila grabe, parang nakakakonsensya silang gisingin hahaha.

Nashookt ako, bago ko gisingin sina Darren andami kong nakikitang naka Green na may nakasulat "Darren, Darrenatics Subic". Grabe maaga pa lang pero andami na nila, ganun talaga nila kamahal si Darren. Sa pagkakaalam ko kasi 5pm pa yung start.

"Ren! Kyle! Gising na andito na tayo. " paggising ko naman sa kanila. Unti unti naman nilang minulat yung mata nila.

"Ren, mag disguise ka muna. Mag lunch lang tayo. " sabi naman ni ate Ja.

"Okay ate Ja, ikaw rin mag disguise ka. Alam mo namang kilala ka ng Darrenatics baka dumugin ka. " sabi naman ni Darren na bahagyang napatawa.

Unexpected Love (Darren Espanto) [COMPLETED]Where stories live. Discover now