JULIAN'S POV
Flashback
Kahapon ng matapos yung taping namin ay umuwi ako kaagad, pero hinatid ko muna si ella. Nagmamadali akong umuwi kasi may sakit daw si Zai. Tumawag kasi sakin si mama. Hays ano nanaman kayang ginawa neto, bat nag kasakit nanaman.
Pagdating ko sa bahay ay naabutan ko mga kaibigan ni Zai at Kyle, TCR at BTX ata 'tong mga 'to at kasama pa nga si Darren. Nagaayos sila ng gamit nila,pauwi narin sila. Parang nag swimming sila dito sa bahay.
"Oh Julian anjan kana pala. " bati naman sakin ni mama.
"Asan po si Zai? " pagtatanong ko naman kay mama.
"Andun sa taas, nakatulog na. Nakakahiya nga kay Darren eh. Siya pa nagalaga kanina kay Zai, tas siya pag yung nag buhat kay Zai papunta sa kwarto. Nakatulog kasi sa balikat niya sa sobrang sama ng pakiramdam. " pagpapaliwanag naman ni mama. Oo nga nakakahiya talaga kay Darren. Ano nanaman kayang ginawa neto at biglang sumama pakiramdam.
"Ahh ganun ba ma, sige akyatan ko lang si Zai. " pagpapaalam ko naman kay mama.
Bago ako umakyat pinuntahan ko muna sina Darren at Kyle, pati mga kaibigan neto. Pasasalamatan ko lang si Darren.
"Hi Kuya Julian" bati naman ng mga TCR sa akin. Binati ko naman sila ng pabalik.
"Hello, kamusta bonding niyo? " nakangiti ko namang pagtatanong sa kanila.
" ayos naman kuya, kaso nga lang nagkasakit si Zai, kaya ayun medyo medyo nalang. " sagot naman ni Samantha.
"Ahhh, oo nga eh ano ba ginawa ni Zai? Bat nagkasakit yun? " pagtatanong ko naman sa kanila.
"Ewan ko dun kuya. Kahapon lumabas kami nila Darren eh nag mall kami. " sagot naman ni Kyle sa akin. "Baka napagod lang kuya. " dugtong naman niya.
"Ohh, By the way. Darren salamat sa pagaalaga kay Zai kanina ah? Nakwento kasi sakin ni mama. " pagpapasalamat ko naman kay Darren.
"Wala yun Kuya basta para kay Zai. " anito, habang nakangiti.
Nagulat naman ako ng biglang naghiyawan yung Btx at Tcr.
"Nice Darren, iba kana hahaha" kantyaw naman ni Josh. Member ng BTX Josh Padrique.
"Awieeee, Zairen For the win wohooo! " sabi naman ni Christine.
"Cheee, akin lang si Darren. " nakakunot na sabi ni winzel. Ah i know, dnatics pala 'tong si Winzel.
"Uyyy, si Kyle nagseselos. " pangaasar naman ni Einar. Ha?! Akala ko bestfriend 'to ni Zai?!
"Abno! Hindi ah. Bat naman ako mag seselos. " sabi naman neto. Pero parang nagseselos nga haha.
"Hala hahaha, syempre magkaibigan kami ni Zai kaya ganun. " pagpapaliwanag naman ni Darren.
"Nako kayo kamo, mga bata pa kayo. " pagpapaalala ko naman sa kanila.
Aking ikinagulat ng bigla silang....
"Ate Ella ka lang kuya eh hahahaha" pangaasar naman nila sakin. Grabe ha?! Hahaha. Talagang nasama pa si Ella.
"Hala. Sige na nga hahaha, umuwi na kayo baka hinahanap na kayo ng parents niyo. Pahatid nalang kayo kay Manong Vernie. " pagooffer ko naman sa kanila.
"Sige Kuya, salamat ulit pasabi nalang kay Zai pagaling siya. " sabi naman ng mga ito.
"Sige sige, mag iingat kayo. " sabi ko naman habang nasa hagdan ako. "Kyle, Darren salamat ulit ah? " muling pagpapasalamat ko sa dalawa.
YOU ARE READING
Unexpected Love (Darren Espanto) [COMPLETED]
FanfictionThe Best Relationship are the ones you didn't expect to be in, The ones you Never even saw coming. Eyow! Especially sa mga Darrenatics. Hindi naman kagandahan eto. Pero sana Suportahan niyo HAHAHA. Pero kahit first time ko gagawin ko parin best ko p...