CHAPTER 13: The Care

133 23 1
                                    

ZAIRA'S POV

Andito parin ako sa kwarto ko, ewan ko parang wala akong gana ngayon. Iniisip ko parin yung nangyari kahapon. Hindi ko inexpect na makikita ko si allison. Alam ko namang minahal talaga ni Kylevin si Allison eh, natatakot ako baka hanggang ngayon si Allison parin. Hays wag naman.

Habang nanonood ako ng TV ay nag vibrate yung phone ko.

Kylevin:

Hi Zai, Good Morning nag breakfast kana?

To Kylevin:

Yes po, ikaw?

Kylevin:

Yup katatapos lang.

To Kylevin:

Ahh ganun ba. Sige pala maya nalang, ligo lang ako.

Kylevin:

Sige, I love you.

To Kylevin:

I love you too.

Hays wahh, bakit ba ganto nararamdaman ko? Bigla bigla nalang tutulo luha ko, hindi ko alam kung bakit.

Pinunasan ko yung luha ko at naisipan kong itext si darren.

To Darren:

Hi Ren, Goodmorning.

Darren:

Hi Zai, Good morning. Kamusta?

To Darren:

Ayos lang naman, Ren may ginagawa kaba?

Darren:

Wala naman, andito lang ako sa bahay. Why?

To Darren:

Pwede ba tayong magkita?

Darren:

Yah sure. Saan ba?

To Darren:

Okay, starbucks nalang ren. Sa may trinoma. See you later.

Pagkatapos kong itext si Darren ay nag ayos na nga ako.

•••••
DARREN'S POV

Andito na nga ako sa Starbucks hinihintay ko nalang si Zai.

Ano kayang nangyari? At bigla nalang na gusto niya makipagkita. Nagaalala tuloy ako. Hays wag naman sana.

Mga 5mins lang dumating narin si Zai.

"Hi Ren. " bati naman nito sa akin, na medyo matamplay. Tumayo naman ako at inayos yung uupuan niya. "Thanks Darren. " pagpapasalamat naman niya at ngumiti nalang ako sa kanya.

"Zai? " tawag ko naman sa kanya sabay tumingin siya sa mga mata ko. "Ayos ka lang ba?" Nagaalala ko namang tanong.

"Actually Hindi" tanging sagot niya, sabay yumuko.

"Anong problema Zai? " pagtatanong ko naman. Pinagaalala naman ako nitong si Zai.

"Ren nakita ko siya" sabi naman niya ng biglang tumulo luha niya.

"Sino? " pagtatanong ko naman.

"Si Allison" sabi naman niya.

"Ha-ah? Sinong allison? " nalilito kong tanong.

"Siya yung first love ng pinsan mo. " sabi naman niya, pero mas lalo pa siyang naiyak nung sinabi niya. Lumipat naman ako sa tabi niya.

"Zai, ikaw naman na yung mahal ng pinsan ko. " sabi ko naman kay zai sabay hinawakan ko siya sa balikat niya at sinandal sa dibdib ko.

Unexpected Love (Darren Espanto) [COMPLETED]Where stories live. Discover now