CHAPTER 23: The Hospital

156 13 5
                                    

JULIAN'S POV

Nalipat na nga ng hospital si Zai sa Manila, sa St. Lukes Hospital. Kasama ko ngayon si Ella at si Mama. Si Darren kakauwi lang pinag pahinga ko muna kasi kagabi pa yun pagod.

Pero hindi ko lubos na maisip na mangyayari ito kay Zaira. Bakit ko ba kasi siya pinayagang pumunta ng Baguio ng hindi ako kasama? Kasalanan ko lahat 'to eh.

DARREN'S POV

Kakarating ko lang dito sa bahay agad naman akong sinalubong nila mommy at daddy na parang nalugi yung mukha. Alam na ba nilang naaksidente si Zai?

"Dad, Mom ano pong nangyari?" sabi ko naman sa kanila na bakas ang aking pagaalala.

"Anak, tignan mo 'to. " sabi naman ni mommy sabay patingin sa akin ng phone niya. habang tumulo ang kanyang luha.

"What the-- " wala na akong ibang masabi kung di WOW! isang malaking WOW!

"Anak ano bang nangyari sa inyo ng pinsan mo? Bat mo siya sinaktan? Anak Nag Viral na, madaming nagagalit sayo. " sabi naman ni mommy habang umiiyak.

Binasa ko naman yung mga comments at.....

"Ay grabe naman si Darren, pinsan niya sinuntok niya. "

"Akala ko naman mabait yan si darren, hindi naman pala. "

"Ibash ko na yan si Darren. "

"Grabe naman si Darren. "

Samu't saring mga pangbabash ang mga nabasa ko, pero yung mga darrenatics naman todo tanggol sa akin. Pero bakit ganun? Ako pa yung lumabas na masama? Paimbento talaga 'tong nag video. Nangigigil talaga ko dito.

(A/N: Darren kalma, sapakin na ba natin? Hahahaha)

"Mom, mag eexplain ako. yung video na yan kulang. Sa totoo lang si kylevin ang nauna, at nakadalawang suntok na siya sakin. Nanggigil lang po talaga ako sa kanya. Hindi ko naman po akalain na may nag vivideo sa amin. " sabi ko naman kay Mommy, sh*t nanggigigil talaga ko dito sa kylevin na 'to, ako pa tuloy lumabas na masama.

"Darren ano bang pinag awayan niyo ni Kylevin? At may suntukan pang ganap. " sabi naman ni Daddy at naglakad naman kami papunta sa sofa.

"Dad, sorry po. Hindi ko lang napigilan. " sabi ko naman, at hindi ko parin masabi sabi kung ano talaga yung dahilan.

"Darren ano? Ano ba talaga nangyari? Kamusta si Zaira? bat ba nangyayari lahat 'to? " sabi naman ni Daddy, at bigla naman akong kinabahan.

"Si Zai po, nasa hospital ngayon. Wala pa po akong balita dahil pinauwi muna po ako ni Kuya Julian. " pagpapaliwanag ko naman. "Daddy, Mommy punong puno na po kasi talaga ako sa pinsan ko eh. Nasa baguio na po kami nun, unang lumabas si Zaira papunta sa bahay nila kylevin hindi ko po nasabayan si Zai sa pagbaba dahil nag disguise muna po ako, akmang bababa na ako biglang umiiyak si zaira, tas bigla naman niya po akong niyakap. " pagpapaliwanag ko naman sa kanila.

"Ha? Bat siya umiiyak? " tanong naman naman nila dad at mom.

"Kasi po, may namamagitan po kasi kay Kylevin at Zaira, pero po nilihim namin sa lahat. Nakita po kasi ni Zai na magkasama si Allison at kylevin sa bahay nila at sobrang sweet pa nito kung titignan, kaya ayun po napayakap si Zaira sa akin. Tas ito namang pabibo kong pinsan sinugod naman ako dahil nakita niya rin na nakayakap si Zaira sa akin. Nagseselos rin pala ito sa akin. Hanggang sa nagkasagutan po kami at lumala ng lumala. " dagdag ko naman.

"anak bat nilihim mo ito sa amin? Alam mo bang ang laking kapahamakan nito. " sabi naman ni mommy na di mapakali.

"Aayusin ko to ma, alam ko madami ng nambabash sa akin pero hindi ko hahayaan na lumala pa yun lalo nat alam ko na ako lang yung nakita sa videong sumuntok. " sabi ko naman at niyakap si mommy at yumakap narin si daddy.

Unexpected Love (Darren Espanto) [COMPLETED]Where stories live. Discover now